Piolo at Janine, binati ang buong cast ng ‘Parasite’

0
40

SA KANI-KANILANG socmed ay parehong pinararating ni Piolo Pascual at Janine Gutierrez ang kanilang pagbati sa nanalong Best Picture sa Oscars kamakailan, ang Korean movie na ‘Parasite.’

Ani Papa P: “Congratulations to the cast and crew of @parasitemovie for making history! As a film producer from the region, their feats made me realize that our works can be elevated to global platforms and audiences.”

Napag-alaman pa ni Papa P. na isa sa naging ispirasyon niya bilang director ay ang late Pilipino director na si Lino Brocka.

‘So kaya po natin to reach kind of this recognition. Cheers’

Ayon naman kay Janine: “So happy for South Korea getting their first Oscar!!! I’ve read about how their govt has heavily supported the film industry through tax breaks and investments and it really shows that govt support is so important. In film and in sports and in music. Sana oil.”

Tama ang sabi ni Papa P na pwede rin tayong gumawa ng mga makabuluhang pelikula. Marami naman mga director na mahuhusay, pero siguro nga dapat rin nilang pag-aralan ang mga gawang Lino Brocka noong heydays ng director.

Sa komento naman ni Janine, malaking bagay naman talaga na sinusuportahan din ng gobyerno ang film industry.

Ang karangalang matatanggap ng Filipino films internationally ay karangalang maipagmamalaki rin ng Pilipinas.

“Gov’t support is important and yes, we can elevate our works to global platforms and audiences pero unahin muna natin gumawa ng quality movies at tangkilikin ‘to.

Madami tayong quality movies pero mas marami ang basura. Paulit ulit yung kwento. Idagdag pa yung andaming mas gusto manood ng vice ganda, coco martin or vic sotto movies.

Sabi nga ng netizens” Nganga nga naman ang PH movies kung puro loveteamskeep/recycled stories/trash comedies then wala talagang mangyayari.”

Komento pa ng isa: “Wag na umasa. Habang may corruption, lahat na lang sa Pilipinas eh backward.”

In fairness, pursigido naman sa pagtulong ang FDCP (Film Development Council of the Philippines) sa pamumunod ni Ms. Liza Dino na mapaunlad ang movie industry.

Katunayan ang dami na niyang inilalapit na film project sa Asian countries na gawa ng mga mahuhusay na director.

Hindi nga ba’t ang adhikain ni Ms. Dino ay maiangat ang showbiz industry.

Marami na ring international awards na napapanalunan ang Philippine movies.

Pasasaan ba’t mapapansin din ng Oscars ang mga Pelikulang Pinoy.

‘Yun nga lang sa tamang panahon!!

So hindi lang pala ang ‘Fast & Furious’ at ‘Avatar’ actress na si Michelle Rodriguez ang nakadaupang-palad ni Arci Munoz.

Nakatsikahan din niya kahit saglit ang ang hinahangaang Korean director ng Best Picture na “Parasite’ na si direk Bong Joon-Ho at ang actor nitong si Sang Kang-ho.

Ani Arci sa kanyang IA: “I greeted Mr. Kang ho Song! Had a convo with him in Korean! Oh was so glad I took my Korean class!

“Told him how much I love their movie! He quickly grabbed me by the hand and introduced me to ze man!

:And so the next photo happened! Congratulations to #ParasiteMovie making history today at the #Oscars #academyawards.” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here