Home News In Photo Planong pagbabalik sa PNP ng giyera kontra droga welcome sa PDEA

Planong pagbabalik sa PNP ng giyera kontra droga welcome sa PDEA

499
0
SHARE

MALUGOD na tatanggapin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director-General Aaron Aquino ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ibalik sa Philippine National Police (PNP) bilang pangunahing ahensya sa war on drugs.

Ayon kay Aquino, nirerespeto niya ang pasya ng Pangulo na isang mabuting balita lalo’t limitado lamang ang pondo, kagamitan at tauhan ng PDEA.

Dagdag pa nito, na kanyang hiniling noon na panatilihin ang PNP sa  kampanya kontra iligal na droga pero mas magiging madali ang kampanya kontra iligal na droga kung magtutulungan ang lahat.

Samantala, ipinagmalaki naman ng PDEA Director na  nasa 1300 operasyon ang kanilang isinagawa at 53 million pesos na halaga ng illegal drugs na ang kanilang nasabat sa loob lamang ng isang buwan.

SHARE
Previous articlePNP handa sa posibleng mga pag-atake ng NPA 
Next article20 fugitives a day, as police intensifies manhunt operations
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here