Planong pagtatayo ng airport/seaport sa Bulacan, magpapaangat sa ekonomiya ng lalawigan

0
265

MAY posibilidad na makilala ang Bulacan bilang isang first class na lalawigan sa bansa kapag naisakatuparan na ang malaking proyektong isinusulong ni Bulacan First District Representative Jose Antonio “Kuya Jonathan” R. Sy- Alvarado, na makahihimok sa mga kilalang negosyante sa bansa at sa mga dayuhang mamumuhunan na makapag-bibigay ng maraming hanapbuhay sa mga mamamayang Bulakenyong residente sa limang mga bayan.

Ayon sa paliwanag ni Congressman Jonathan Sy Alvarado, nakaplano ng itayo sa Bulacan ang isang Metroport, na pinagsamang airport at seaport, dahil walang gaanong sagabal na mga kabundukan ang lalawigan ng Bulacan, at walang magiging problema sa paglipad at paglapag ng mga eroplano

Sinabi pa ni Congressman Jonathan, na hindi ito basta isang pasilidad lamang ng mga eroplano o kaya ay daungan ng mga barko, dahil magtatayo rin sa nasabing lugar ng mga malalaking establisimyento na tutugon sa mga serbisyong kailangan ng maraming mga turista o mga balikbayan sa kanilang pag-alis at pagdating sa bansa, na katulad ng mga five star hotel, first class restaurant, at mga malalaking mall,

Aniya, maaari ding maging tugon sa malaking suliranin ng kamaynilaan sa masikip na daloy ng trapiko, dahil hindi na luluwas pa ang mga Bulakenyo at ang mga residente sa kalapit na mga lalawigan, maging ang mga residente sa may bahagi ng Norte na maglalakbay palabas ng bansa, dahil hindi na nila kailangang magpunta pa sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang limang mga bayan sa Bulacan na pangunahing makikinabang sa proyektong ito ay ang bayan ng Calumpit, Paombong, Hagonoy, Malolos at Bulakan; At naniniwala ang butihing kongresista na ang proyektong ito ay isang malaking ambag sa kaunlaran ng kanilang lalawigan, na bagamat mangangailangan pa ng sapat at mahabang panahong pag-aaral bago maisakatuparan.

Keep up the good work Kuya Jonathan. Bulakenyo’s are always behind you to support all your programs and projects.

God Bless and more power. Mabuhay ka…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here