Plastic waste collection program, inilunsad sa Malolos

0
147

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Dahil sa lumalalang problema sa plastic ng bansa, isang programa na kung saan ay hangad na turuan ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan ng tamang pagsesegregate ng basura ang inilunsad dito sa nasabing lungsod nitong Martes ng umaga (Sept. 29).

Ang programang Plastic Waste Collection ay inilunsad sa pangunguna ng Green Antz Builders Inc. at ng Colgate Palmolive Philippines, Inc., kasama ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos at Department of Education na magsisimula sa unang araw ng Oktubre taong 2020 hanggang sa ika-30 ng Setyembre ng 2021.

Ang mga non-recyclable plastic sachets na makokolekta ay pipinuhin at ihahalo sa semento, buhangin, graba at tubig upang gawing eco bricks. Sa pamamagitan ng pagco-convert ng mga plastic sa eco bricks ay mababawasan ang pagtatambak nito sa mga landfill.

Ang produktong eco bricks na magagawa na manggagaling sa mga plastic waste collection ay gagamitin para sa pagpapatayo ng mga handwash stations sa mga eskwelahan.

Ang Lungsod ng Malolos ay isa sa limang munisipalidad sa Bulacan na makikiisa sa proyektong ito.

Kasama sina Punong Lungsod Bebong Gatchalian, ABC President Dionisio Mendoza, Assistant City Administrator Lito Zuñiga, CENRO OIC Oscar Nicodemus, mga representative mula sa Department of Education at Green Antz Builders, Inc. at Colgate Palmolive Philippines, Inc. ay matagumpay na inilunsad ang naturang programa. (RONDA BALITA Online)

Previous articleGuro sa pampublikong eskwelahan timbog sa P1.7M shabu
Next articleSix-time Rice Achiever Awardee
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here