Home Top Story P/Lt. Col. Rizalino Andaya, kinilala bilang Best Chief of Police

P/Lt. Col. Rizalino Andaya, kinilala bilang Best Chief of Police

47
0
SHARE

KINILALA kamakailan bilang Best Chief of Police si P/Col. Rizalino Andaya at Best Police Station Class A naman ang Bocaue Police Station.
Ang pagkilala sa galing at husay ni col. Andaya ay pinangunahan ni Acting Provincial Director Col. Emma M. Libunao.

Tunay na katangi-tangi ang mga accomplishment ni Col. Andaya bilang hepe ng pulisya ng Bocaue.

Matagal ko na ring kaibigan si Col. Andaya at halos naikot na nito ang mga bayan dito sa lalawigan ng Bulacan at naupo bilang hepe.

Kilalang masipag at may dedikasyon pagdating sa pagganap ng tungkulin, isa si Col. Andaya sa hepe ng pulis na malaki ang nagampanan sa War on Drugs ng Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Sa kanyang pamumuno ay No. 1 ang bayan ng Bocaue pagdating sa mga accomplishment on anti-illegal drug operations noong nakaraang taong mula January hanggang December.

Sa loob ng 133 naisagawang drug operations sa loob ng isang taon ay nakahuli ang Bocaue police station sa pamumuno ni Col. Andaya ng 262 drug suspects at 4 dito ang napatay. Nakakumpiska ng 761 sachet ng shabu na may timbang na 145 grams. Meron din silang nasamsam ng 37 plastic ng pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 695 grams.

Pumangalawa lang sa kanila ang bayan ng Plaridel at pangatlo ang bayan ng Baliwag.

Mabuhay ka Col. Andaya. Mabuhay ang bayan ng Bocaue!

Para sa inyong mga sumbong, hinaing at reklamo na nais ninyong TULDOKAN ng inyong lingkod, tumawag o mag-text sa numerong 0915 691 2704. (RONDA BALIT Online)

SHARE
Previous articlePUP may problema pala? Kailangan ang Malakanyang
Next articleTuyot na tuyot ang irrigation canal
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here