Home National News PNP-AKG magsasampa ng reklamo laban sa babaeng nagkunwaring nakidnap

PNP-AKG magsasampa ng reklamo laban sa babaeng nagkunwaring nakidnap

12
0
SHARE

MANILA — Magsasampa ng reklamo ang Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) laban sa babaeng pineke ang umanoy pagkakakidnap sa kanya sa La Union.

Nagtagpuan ng mga awtoridad na nag-iisa ang babae sa hotel sa Dagupan City, Lunes.

Ayon kay PNP-AKG spokesperson Police Lt. Col. Elmer Cereno, sinabi ng babae na dalawang lalaking armado ang kumuha sa kanya at nanghingi pa ng P5 milyon ransom sa pamilya.

“Hinatid ito ng kanyang pamangking driver para mag-withdraw sa isang bangko then hindi na siya bumalik. Nakatanggap ang daughter niya ng text message na galing din sa kaniya na umano she was kidnapped by 2 armed men,” ani Cereno.

“Na-evaluate natin na gawa-gawa niya lang ‘yun. Dahil nga ang pinag-ipunan nila na ipinapadala ng common-law husband niya ay naubos lahat,” dagdag pa nito.

Source: Remate

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here