POD Fleet cellular radio, inilunsad sa Bulacan

2
633

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Sa maingat at pandemic-compliant na seremonya sa makasaysayang Eurobake Restaurant sa Tabang, Guiguinto, Bulacan nilagdaan at inilunsad ng dalawang information and communications companies ang kauna-unahang global audio-video push-to-talk on data (POD) system sa Pilipinas noong Miyerkules (Enero 20).

Ang POD ay ang tinatayang magiging bagong industry standard ng komunikasyon sa disaster, rescue, transport, logistics at security sectors at kasalukuyang umaani ng magagandang reviews mula sa iba’t-ibang bansa ng daigdig, kabilang ang US, UK, Japan, China, at Pilipinas. Iniaangat nito ang radio communications sa panibagong antas dahil sa paggamit nito ng mobile data at infrastructure, sa halip na radio frequencies na hindi maaasahan sa malayuan at malinaw na komunikasyon.

“Puede mo nang gamitin ang sarili mong smartphone app ng Stingray-AfterTech na tumatakbo sa globally-acknowledged na WalkieFleet company,” ani Rhoderick Co, CEO ng Stingray Communications. Nilagdaan niya kasama ni AfterTech CEO Joel V. Bagay ang formal partnership agreement sa malawakang promosyon ng teknolohiya sa buong Pilipinas simula sa Bulacan at Kalakhang Maynila.

“Mas mura, functional at mas madaling i-deploy ang POD Fleet para sa anumang organisasyon, opisina, ahensiya o kahit sa sarili mong pamilya dahil ito lang ang maaaring mong i-encrypt gamit ang nag-iisang pampublikong tecknolohiya na aprubado ng National Security Agency (NSA) ng America,” ayon kay POD Fleet Head Engineer Maurice Vistan.

Kailangan aniya ang teknolohiya ng mga probinsiya at lungsod ng bansa na kasalukuyang humaharap sa maraming kalamidad kabilang ng COVID-19 na patuloy na nananalasa sa bansa.

Nakakasa na ang isang simple at ligtas na roadshow para sa POD Fleet sa Bulacan at maraming bahagi ng lalawigan at Metro Manila sa mga susunod na araw, ayon sa AfterTech chief.
Ang AfterTech management kabilang sina Vistan, Bagay at Joelito Dela Peña, kasalukuyang Research and Development Chief ng kumpanya, ay katatapos lamang sa isang proyekto bilang mga Highly-Technical Consultants ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nagsimula noong isang July 2020. Katuwang ang tatlo para sa pagpapalawig pa ng DICT ng National Government Portal at National Broadband Project na naglalayong pag-isahin ang bansa sa isang malawig at malakas na connectivity agenda.  

2 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here