Police Corporal, todas sa ambush sa Bustos

0
205

CITY OF MALOLOS, Bulacan –Dead on the spot ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng riding in tandem assassins sa Brgy. Bonga Menor sa Bayan ng Bustos bago mananghali nitong Sabado (Nov. 14).

Sa inisyal na ulat ng Bustos police, naganap ang insidente bandang alas-11:45 ng umaga.

Kinilala ang biktima  na si P/Cpl. Abdulsamat Saipuddin y Tumpilan, 46 taong gulang  at nakatalaga sa Angat Police Station.

Base sa paunang imbestigasyon, papasok na sa trabaho ang pulis kung saan wala pang isang buwan siyang nalilipat sa Angat Police Station mula sa dati nyang assignment sa Calumpit Police Station.

Nabatid na lulan ng toyota Inova na kulay pula ang biktima na may plakang ZBT-866 kung saan malapitan syang pinaputukan ng mga salarin na nakasuot ng bonnet at armado ng M16 Armalite at caliber 9mm at caliber .45 lulan ng isang gray na Honda Civic at dalawang Yamaha NMAX motorcycles.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa bahagi ng  Bustos-San Rafael Bypass Road.

Nagpahayag naman ng simpatiya si PRO3 Regional Direcor P/Brig. Gen. Valeriano T. De Leon sa pamilya ng namayapang pulis na si P/Cpl. Saipuddin.

Samantala, nagsasagawa na ng dragnet operation ang mga awtoridad upang madakip ang mga salarin.

Sa ulat naman na inilabas ng Police Regional Office 3, inatasan ni RD De Leon ang pagsasagawa ng malalimang pagsisiyasat sa pagpatay at inatasan ang ang lahat ng opisyal ng kapulisan sa Bulacan na magsagawa sa naging pagpapatay kay P/Cpl. Saipuddin. (RONDA BALITA Online) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here