Home National News Pondo para sa PNR Malolos-Clark, nilagdaan na

Pondo para sa PNR Malolos-Clark, nilagdaan na

235
0
SHARE
Pormal nang nilagdaan nina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr., at ni Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda ang mga dokumentong nagtitiyak sa parteng pautang ng Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa Phase 2 ng proyektong Philippine National Railways (PNR) North 2 o sa teknikal na tawag na North-South Commuter Railways (NSCR). Makakatuwang ng JICA ang Asian Development Bank (ADB) para pondohan ang P211 bilyong halaga ng 53 kilometrong riles mula sa Malolos hanggang Clark International Airport. Sinaksihan ito nina Department of Transportation (DOTR) Secretary Arthur Tugade at ni Special Adviser to Prime Minister Shinzo Abe na si Dr. Hiroto Izumi.

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Tiyak nang popondohan ng Japan ang kalahati sa gastusin para sa bubuhaying riles ng Philippine National Railways (PNR) mula sa Malolos hanggang sa Clark International Airport.

Base sa Department of Transportation (DOTR) nagkaroon ito ng katiyakan sa isinagawang exchange of notes sa pagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Sinaksihan ito ng bumibisitang si Dr. Hiroto Izumi, ang special adviser ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Shigeru Kiyama na special adviser naman ng gabite ng Japan.

Sa isang hiwalay na panayam kay DOTR Undersecretary for Railways Atty. Timothy ‘Tj’ Batan, ang phase 2 ng PNR North o sa teknikal na tawag na North-South Commuter Railways (NSCR) ay magkatuwang na pinopondohan ng JICA at ng Asian Development Bank (ADB) na nagkakahalaga ng P211 bilyon.

Sakop ng phase 2 ang ruta mula sa Malolos hanggang sa Clark International Airport sa loob ng Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga. May haba itong 53 kilometro mula sa Malolos na dadaan sa Calumpit, Apalit, San Simon, Sto. Tomas, San Fernando, Angeles at sa Clark International Airport.

Nirerepaso na rin ang ruta hanggang sa Clark New City sa Capas, Tarlac.
Ikakabit naman ang PNR North Phase 2 sa Phase 1 nito na mula sa Malolos hanggang sa Tutuban, Maynila. Nagkakahalaga ang Phase 1 ng P106 bilyon kung saan P93 bilyon ang sasagutin ng Official Development Assistance (ODA) ng Japan.

Source: PIA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here