Home National News ‘Pops Fernandez’ kalaboso sa shabu

‘Pops Fernandez’ kalaboso sa shabu

121
0
SHARE

PASIG CITY — Kalaboso si Pops Fernandez, kapangalan ng tanyag na mang-aawit at concert queen matapos maaresto ng mga pulis sa isang anti-illegal drug operation kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-10 ng gabi nang arestuhin ng mga operatiba ang suspek na si Pops Fernandez y Barros at kilala sa alyas na “Cherry,” 32-anyos at nakatira sa No. 355 Fontanilla Compound, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakipag-transaksyon ang isang pulis na nag-aktong poseur buyer at positibong nakabili ng shabu kay Fernandez.

Nang mag-kakaabutan na ang poseur buyer at ang suspek ay doon na ito dinakma na mga kasamang operatiba.

Nasamsam mula kay Fernandez ang apat na plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu at nabawi rin ang P200 na ginamit sa buy-bust operation.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here