Home News Report Pork barrel queen hinihintay ang desisyon ng DOJ sa pagiging state witness

Pork barrel queen hinihintay ang desisyon ng DOJ sa pagiging state witness

132
0
SHARE

HINIHINTAY na ng kampo ang tinaguriang Pork barrel queen Janet Lim Napoles kung ano ang magiging desisyon ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa posibilidad na maging state witness si Napoles sa P10-billion pork barrel scam.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Atty. Stephen David abogado ni Napoles na nakipagpulong na siya sa kalihim para pag-usapan kung puwede itong maging pangunahing testigo sa krimen.

Pinaplano na rin  ng kampo ni Napoles na asikasuhin ang ilang kaso para ma-dismiss at makapaglagak na sila ng piyansa.

Gayunman aminado si David na hindi inosente ang kanyang kliyente kung saan iginiit nito na hindi puwedeng sampahan ng kasong plunder si Napoles dahil hindi ito isang public official.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here