PPE’s Ibinahagi ng 48th IB, NOLCOM at US Embassy sa ospital sa Bataan

0
108

DOÑA REMEDIOS TRINIDAD, Bulacan — Dahil sa malasakit ng US Government sa pamamagitan ng kanilang US Civil Military Support Element (USCMSE) katuwang ang Northern Luzon Command (NOLCOM) at 48th Infantry (GUARDIANS) Battalion naging matagumpay ang pamamahagi ng Personal Protective Equipment (PPE) sa isang ospital sa Bataan ika-19 Mayo, 2020.

Ang US Civil Military Support Element o USCMSE ay ang Civil-Military Operations component ng Estados Unidos na nakatutok sa Civil Affairs dito sa bansa.

Sa tulong ng 48th IB Charlie Company sa pamumuno ng kanilang Company Commander na si First Lieutenant Oscarito Tobias at ng Civil Affairs Support Team (CAST) ng NOLCOM kasama ang USCMSE ay ipinamahagi sa Bataan General Hospital and Medical Center, Balanga City, Bataan ang 700 piraso ng KN95 mask, 900 na surgical gown, 2,500 pirasong surgical masks, 1,000 pares ng shoe cover, 1,000 piraso na head caps, 200 pirasong face shields, 200 pirasong googles, 6,000 pares ng nitrile gloves, 15 piraso pulse oximeter, 15 pirasong infrared thermometer at 100 boxes ng Ascorbic Acid.

Taos-pusong nagpasalamat si Ms Maria Ines Bettina Santos, MS II ng Bataan General Hospital and Medical Center sa suporta at tulong ng mga naturang sector sa kanilang pakikipaglaban sa krisis ng COVID-19.

Ayon kay Lieutenant Colonel Felix Emeterio M Valdez, 48th IB Commanding Officer,“Pagkakaisa at pagtutulngan ang susi upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga medical frontliners sa pagharap ng COVID-19. Ang inyong GUARDIANS Battalion ay laging handa upang maging tulay sa pagbibigay ng tulong at malasakit sa ating mga medical frontliners.”

Dagdag ni Colonel Andrew D Costelo, 703rd Brigade Commander, “Habang patuloy pa ang krisis na ito, tuloy-tuloy din ang pagbibigay natin ng tulong sa mga sektor na humaharap sa ganitong uri ng krisis. Patuloy din ang pakikipagtulungan natin sa mga nais magbigay ayuda at tulong sa ating mga kababayang apektado ng COVID-19 mapa government at non-government organizations.” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here