Home Rebelasyon Prebelehiyo at hindi kapangyarihan ang malayang pamamamahayag

Prebelehiyo at hindi kapangyarihan ang malayang pamamamahayag

33
0
SHARE

BILANG isang mamamayan ng isang malayang komunidad na katulad ng Pilipinas, may karapatan tayong sumailalim at tamasahin ang mga karapatang pantaong pinaiiral ng ating mga nilikhang batas. Pero batid n’yo ba ang mga karapatang ito na dapat nating isabuhay?

Bilang mga Pilipino, karapatan natin ang mabuhay ng may kalayaaan sa pagsasalita. Karapatan din natin na maghanap-buhay upang mayroon tayong pambili ng mga bagay na kailangan natin sa araw- araw, na katulad ng mga pagkain, mga damit at mga medisina kapag tayo ay nagkakasakit at upang matustusan din natin ang pangangailangan ng ating binuong pamilya.

Karapatan din nating na magkaroon ng bahagi sa lahat ng mga kaunlarang tinatamasa ng ating bansa. May karapatan din ang bawat isang Pilipino na makatuntong ng paaralan upang magkaroon ng edukasyon para sa kanyang kaalaman at karunungan; At higit sa lahat ay ang karapatan natin na magkaroon ng parehas na pagtrato at pagtingin sa mga usaping pang- hustisya

Ang karapatang pantao ay ginawa hindi bilang kapangyarihan ng isang mamamayan, pero magka-minsan may mga taong talagang inaabuso nila ang pribelehiyong ito sa maraming mga kaparaanan.

Katulad rin ito ng gawin ang mga unang tao na sina Adan at Eba na binigyan din ang Diyos ng karapatan na malayang makapamuhay, pero inabuso nila ang kanilang karapatan kayat sila ay pinarusahan, at magmula noon ay lumikha na ang Diyos ng kanyang mga kautusan at parusa sa mga lumalabag.

Ganyan din tayong mga mamamayang Pilipino, binigyan tayo ng karapatan sa lahat ng bagay ng naaayon sa ating saligang batas.

Pero mayroon itong mga hangganan at pasubali na kapag ang mga karapatang pantao ay iyong nilaktawan at inabuso ay tiyak na mahaharap ka sa kaparusahan.

Kaya marapat na gamitin lamang natin ang ating mga karapatang pantao batay sa ating mga sinusunod na batas upang tayo ay makapamuhay ng matahimik at mapayapa.

Nagsimula na naman ang klase sa mga paaralan at kolehiyo sa buong bansa at hudyat rin ito na pumapasok na naman tayong muli sa tinatawag na panahon ng tag-ulan, pero hanggang ngayon ay nadarama pa rin natin ang buntot ng mainit na panahon na dala ng summer, kung saan may ilang mga resort pa rin sa buong Pilipinas ang pinupuntahan ng mga mamamayan upang magbabad sa mga pools at mabawasan ang nadarama nilang init na dala pa rin ng ating kapaligiran.

Pero dapat pa rin nating isa-isip ang ibayong pag-iingat dahil sa ibat- ibang mga kaso ng sakit ang lumilitaw kapag tag-init na kung minsan ay may kasamang biglaang pagbuhos ng malakas ng ulan. Kaya mag-ingat po tayo dahil mahirap ang magkasakit.

Isang mapagpalang araw sa ating lahat. See you next week… (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePanahon na naman nang tag-ulan
Next articleIlang mamamahayag, pera-pera na lang ba?
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here