Home National News Presidential Spokesperson Harry Roque, bumisita sa BSU

Presidential Spokesperson Harry Roque, bumisita sa BSU

176
0
SHARE
Binisita ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Bulacan State University kung saan inilahad niya ang ilang mabuting balita mula sa administrasyon. Kabilang na ang libreng martrikula at miscellaneous sa mga state universities and colleges simula sa susunod na academic year dahil sa pagpirma ni Pangulong Duterte ng Republic Act 10931.

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Binisita nitong Martes ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Bulacan State University kung saan inilahad niya ang ilang mabuting balita mula sa administrasyon.

Sinabi niya na libre na ang martrikula at misilenyo sa mga state universities and colleges simula sa susunod na academic year dahil sa pagpirma ni Pangulong Duterte ng Republic Act 10931.

Dagdag pa ni Roque na mula nang maisabatas ang Republic Act 10929 o ang Free Internet Access Program, dumami ang mga pampublikong lugar na nakakasagap ng libreng wifi.

Kabilang sa iba pa aniyang priority legislative measures ng administrasyon na malapit nang maipasa ng Kongreso ang Free Lunch Aid sa mga mag-aaral sa kindergarten at grade school, at ang Universal Health Care na magbibigay ng abot-kaya at dekalidad ng health care at gamot sa bawat Pilipino. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here