Home National News Presyo ng bigas sa Bulacan, bumaba ng mahigit sa P7 — NFA

Presyo ng bigas sa Bulacan, bumaba ng mahigit sa P7 — NFA

37
0
SHARE
Sa programang 'Balitang PIA sa Radyo Bulacan' ng Philippine Information Agency (PIA)-Bulacan, iniulat ng assistant manager ng National Food Authority (NFA)-Bulacan, na bumaba na sa higit P7.00 ang halaga ng Bigas sa mga pamilihan sa lalawigan dahil sa paglaki ng ani at pagpasok ng mga inangkat na Bigas ng NFA.

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nahatak na pababa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan sa lalawigan ng Bulacan na mas mababa pa sa P7.00 itinakda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa Balitang PIA sa Radyo Bulacan 103.9FM. “Kung matatandaan natin, noong nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, iniutos niya na gumawa ng mga mekanismo para maibaba ng P7.00 ang presyo ng Bigas. Dito sa Bulacan, ang dating presyong mahigit P50.00 na kada kilo ng Bigas ay may mabibili ka na ngayong commercial rice na P41.00.

Binigyang diin na patuloy pang bababa ang presyo ng Bigas sa Bulacan dahil sa patuloy na pagbebenta ng mga magsasaka ng Palay sa NFA. Ito ang mga ani mula sa mga bayan ng San Rafael, San Ildefonso at San Miguel.

Mula nang maitaas ngayong taon ang local procurement ng NFA ng Palay sa mga magsasaka sa P20.70, marami na ulit na nagbebenta sa amin ng lokal na tanim na Palay. Nagbibigay pa kami ng mga insentibo sa mga magsasaka tulad ng libreng pagpapatuyo sa pamamagitan ng mga Dryers. May pagkakataon na kami na sa NFA ang nagdadala ng trak para mahakot mula sa mga bukid nila ang palay.

Aabot sa 800 libong kaban ang nabibili na ng NFA mula sa mga magsasakang Bulakenyo. Habang nagdatingan na ang karagdagang 85 libong kaban ng inangkat na Bigas para sa NFA-Bulacan. Kaya’t sa kasalukuyan, may kabuuang 885 libong kaban ng Bigas ang imbak ng NFA sa apat na mga kamalig nito sa Malolos, Balagtas, San Ildefonso at San Miguel.

Kaugnay nito, bagama’t patuloy sa pagbaba ang presyo ng Bigas, magpapatuloy ang NFA sa pagdadaos ng Tagpuan Day: Rice Response Delivery sa mga lugar kung saan naninirahan ang karamihan sa mga maralita. Nakatakdang magsagawa ng Tagpuan Day ang NFA sa mga barangay ng Kakarong Bata, Mapulang Lupa at Siling Matanda sa bayan ng Pandi.

Samantala, inilunsad ng NFA ang ‘Tindahan sa Bangka’ para matindahan ng murang Bigas sa halagang P32.00 ang mga taga-Malolos na nasa baybaying mga barangay ng Babatnin, Masili at Pamarawan sa may Manila Bay.

Source: PIA

SHARE
Previous articleMissing shabu worth P11B not P6.8B — PDEA
Next article‘‘Swapping’ ng posisyon, usong-uso o nataon lang?
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here