Home Simple Lang Presyo ng gasolina at krudo, parang isang batang makulit!

Presyo ng gasolina at krudo, parang isang batang makulit!

210
0
SHARE

ISA na namang pagtaas sa presyo ng ating ginagamit na petrolyo ang nangyari kamakailan lamang. At habang ang ating pamahalaan ay patuloy sa nagsasa-walang kibo sa isyung ito, asahan na natin na isa na namang butas sa sinturon ng mga anak ni Juan dela Cruz ang hihigpitan para lamang makaraos sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay sa napakagulong mundo ng mga Pilipino.

Bakit nga ba hindi makontrol ng ating pamahalaan ang presyo ng ating mga ginagamit na petrolyo? Para na tayong niloloko ng mga negosyanteng ito ng langis, dahil magbababa sila halimbawa ng 50 sentimos kada litro ngayong araw pero pagkalipas ng isang linggo eh, magtatas naman sila ng piso.

Isipin naman ninyo kung hindi ba naman panggugulang na ’yan ng mga negosyanteng ito. Nabawi na nila yung nalugi sa kanilang 50 sentimos, may hatak pa silang ganansya na 50 sentimos. O, di ba malaking panloloko ’yan sa ating mga mamamayan?

Siguro naman ay alam ng ating pamahalaan na malaki ang pagkakaiba ng mamamayan sa mayaman. Sa mga mayaman kahit pa abutin ng 200 piso kada litro ang presyo ng gasolina na ginagamit nila sa kanilang mga magagarang sasakyan, eh, hindi nila ito iindahin dahil para sa kanila ay barya lang ang halagang ito.

Lalo na sa mga negosyante at gumagawa ng iba’t ibang mga produkto, wala naman silang gagawin kundi ang ipatong lamang ang pagtaas ng presyo ng langis sa kanilang mga panindang produkto.

Hindi naman puwedeng takutin ng ating gobyerno ang mga oil player na kontrolin ang presyo ng kanilang mga produktong langis dahil tiyak na magsasara ang mga ito. Kung wala na ba silang kinikita, eh, sino ba ang mawawalan kundi ang pamahalaan din natin dahil wala na silang makukulektang mga buwis.

Dalawa lamang kasi ang paraan upang kumita ng pera, ang sinasabing “The men who work for the money.” Ito ‘yung mga ordinaryong mamamayan na nagtatrabaho para kumita ng pera at ang “The money who work for the men,” ay ‘yung mga mayayamang negosyante na ang nagtatrabaho para sa kanila ay ang kanilang pera.

Kaya naman ang mga pobreng Pinoy ay walang magawa kundi ang sumunod na lamang sa agos ng mahirap na buhay, pagkasyahin ang maliit na kumot sa lamig na dala ng kanilang kahirapan.

Condolence na lang sa mga natalong kandidato sa Barangay at SK Elections, at sa mga nagwagi mabuhay kayo… hanggang gusto n’yo.

Kuwentuhan po uli tayo mga Tsong at Tsang next week. GOD Bless po sa ating lahat. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleTotal ban ng deployment sa OFWs sa Iraq, dapat nang alisin!
Next article3 BOD ng Plaridel Water District, pinabababa sa puwesto!
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here