Home National News Primewater-Guagua, Pampanga bagsak sa arsenic test

Primewater-Guagua, Pampanga bagsak sa arsenic test

88
0
SHARE

GUAGUA, Pampanga — Natuklasan ng Commission on Audit (COA) na hindi ligtas sa kalusugan ng mga consumer ang tubig na sinu-supply ng Primewater Infrastructure Corp. (Primewater) na minamay-ari ni dating Senate President Manny Villar sa Guagua, Pampanga.

Ayon sa 2018 annual audit report, isinailalim ng COA sa physical at chemical analysis ang walo sa 13 pumping stations ng Guagua Water District (GWD) at lumabas dito na ang kalidad ng tubig ay lagpas sa “maximum allowable limit for Arsenic content prescribed by Philippine National Standard for Drinking Water”.

Ang Arsenic ay nakakasama sa katawan ng tao lalo na kung mataas dahil makapagdudulot ito ng iba’t ibang sakit.

Inalerto na ng COA si GWD General Manager Eduardo Rodriguez na agarang solusyunan ang problema sa mga kontaminadong tubig.

Agad naman daw kumilos ang Primewater at nagsagawa ng pilot testing upang maayos ang sobrang arsenic sa mga pumping station.

Sinita din ng COA ang Joint Venture Agrement ng GWD at Primewater sa 32.26% na Non-Revenue Water, lagpas sa pinapayagan na 30%. Sa umiiral na rate na P135 per 10 cubic meters, ang district ay nalugi umano ng P2.041 milyon sa taong 2018 lamang.

Noong Nobyembre 3, 2017 lamang pumasok sa JV Agreement ang Primewater para sa development ng local water supply system ng Guagua.

Source: Abante

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here