Home Striker Problema ng tubig, quarry at edukasyon prayoridad sa Pandi

Problema ng tubig, quarry at edukasyon prayoridad sa Pandi

64
0
SHARE
An opinion column by Louie C. Angeles

SA pagbubukas ng Sangguniang Bayan ng Pandi, Bulacan, magiging prayoridad ni Mayor Enrico Roque na masolusyunan ang talamak na pagkaka-quarry ng lupa at malaking problema sa tubig na kung saan matagal ng suliranin ng mamamayan.

Hindi na gawang biro ang matagal ng problema ng mga Pandienyos ang supply ng tubig mula sa Pandi Water District na hanggang sa ngayon ay tila walang solusyon na ginagawa ang naturang ahensya. Labis nang nagdurusa ang mga konsyumer sa nabanggit na bayan.

Kaya naman ito ang kahilingan ni Mayor Rico sa Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Loui Sebastian, nais niyang talakayin o bigyan pansin sa Konseho ang nasabing krisis sa tubig.

Maging ang problema sa quarry ay nais din na mabigyan pansin upang maiwasan na ang masamang epekto sa kapaligiran at kabuhayan ng bawat mamamayan.

Bilang isang dugong Pandienyo, nakakatuwa naman mabilis tumalima si Mayor Rico sa mga karaingan at hinaing ng mga mamamayan sa bayan ng pandi na tila baga naging manhid na ang dating namumuno sa mga pagpuna at sumbong ng mamamayan.

Dito natin nakikita na sa unang araw ni Mayor Rico ay nabigyan pansin agad ang ganitong problema na dapat lamang na masolusyunan sa lalong madaling panahon. Na tanging ikalulugod ng bawa’t mamamayang Pandienyos.

Kaya naman sa muling pagbabalik ni Mayor Rico ay marami siyang mga plano o proyekto para sa kapakanan ng kanyang mamamayan at sa kaunlaran ng bayan ng Pandi. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here