Home National News Produkto ng San Miguel Pure Foods, ligtas kainin!

Produkto ng San Miguel Pure Foods, ligtas kainin!

56
0
SHARE

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Tiniyak ng pamunuan ng San Miguel Pure Foods Co., Inc., na nananatiling ligtas ang mga produkto nito sa kabila ng mga napapabalitang pagkalat ng African Swine Flu (ASF).

Ayon kay External Relations Officer Mac Dormiendo, Corporate Affairs Group ng San Miguel Pure Foods, ang mga pangunahing canned products at refrigerated meats gayundin ang Monterey Fresh Meats ay dumadaan sa ibat-ibang masusing proseso upang masiguro ang mataas na kalidad at food safety nito.

Sa official statement ng nasabing kumpanya, nabanggit dito na isang dahilan kung bakit ligtas ang mga produkto nito ay dahil sa “grain-fed” ang mga alagang baboy nito kung saan ang mga grain feeds na ipinapakain sa mga ito ay gawa sa mga state-of-the-art feedmills ng B-Meg sa ilalim pa rin ng kumpanya.

“Ang mga hog farms at facilities ng kumpanya ay nakasusunod rin sa striktong animal health at biosecurity protocols,” dagdag pa ni Dormiendo.

Napag-alaman pa na bago pa man mai-distribute ang mga produkto ay mayroong mga kaukulang permit ang mga ito mula sa mga local government units, Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service.

Nabatid pa na sa kabila ng mga protocols na ipinatutupad ng mga LGUs, nananatiling ligtas at available ang mga Pure Foods Canned and refrigerated meats at Monterey sa mga pamilihan at supermarkets, grocery stores, Monterey meat shops at community markets. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePangasinan man accused of raping neighbor’s pig
Next articleSwine carcass found floating in Malolos river
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here