Produktong Bulakenyo, Patok sa mamimili!

0
6336

NAGING patok sa mga mamimili ang mga produkto mula sa lalawigan ng Bulacan sa taunang “Kabuhayan National Livelihood Trade Fair” ng Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI) na ginanap sa SM Megatrade Hall 1, SM Megamall Bldg B, mula Nobyembre 9-12, 2017.

Layon ng nasabing trade fair na mabigyan ng magandang pagkakataon ang mga bago sa larangan ng pagnenegosyo na makilala ang kanilang mga produkto at gayun din naman sa mga dati nang negosyante upang yumabong pa ang kanilang merkado.

Sa taunang tradefair na ito matatagpuan ang mga natatanging produkto ng bawat bayan at lungsod sa bansa.

Dinumog at sadyang tinangkilik po ng mga tao ang mga produktong ipinagmamalaki ng ating Dakilang Lalawigan ng Bulacan gaya ng Biskotso, Bucheron, mga Kakanin, Pastillas, Yema, Sukang Paombong, Longganisang Calumpit, at marami pang iba!

Lubos naman ang pasasalamat ng mga tumangkilik sa ating mga produkto sa may bahay ng ating butihing Congressman Jose Antonio R. “Kuya” Sy-Alvarado na si Gng. Dianne Grace V. na siyang nanguna para sa Unang Distrito ng Bulacan.

Sa pagtatapos naman ng taunang “Kabuhayan Trade Fair” ng Congressional Spouses Foundation, Inc. ay tinanghal na “Best Booth Design” ang Unang Distrito ng Bulacan, sa pangunguna ng may bahay ng ating mahal na congressman na si Ate Dianne Grace Sy-Alvarado.

Sa pinagsama-samang talento at kakayanan ng bawat isang tumulong sa pagbuo ng booth ay napagtagumpayan ang nasabing parangal.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here