Programang Rektang Bayanihan-Tatak PNP, isinagawa sa Pandi

0
169

BILANG pagtugon sa nararanasang paghina ng ekonomiya dala ng lockdown dahil sa pandemyang COVID-19, naglunsad ang Provincial Regional Office 3 (PRO-3) at ang Bulacan Police Provincial Office (Bulacan PPO) ng “Rektang Bayanihan-Tatak PNP” at namahagi ng 500 relief packs na naglalaman ng bigas at grocery sa mga dating miyembro ng Kalipunan Ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa Brgy. Cacarong, Pandi. Bulacan kamakailan.

Ayon kay Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Provincial Director, ang programang Rektang Bayanihan ay naglalayong tulungan ang mga kapus- palad nating kapatid na nagbabalik loob sa gobyerno lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Dagdag pa ni Cajipe, ang Bulacan Police Provincial Office Food Bank ay may sapat na suplay ng mga non-perishable goods mula sa mga donasyon ng ahensya ng pamahalaan at iba pang non-government orgnizations sa buong lalawigan upang mapabilis ang pagresponde sa mga food emergencies tuwing may mga community quarantine at iba pang kalamidad.

Dagdag pa nito na patuloy aniya na aabutin ng kapulisan ang mga nagpapahayag ng katapatan sa pamahalaan at maghahatid ng tunay na serbisyo upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan.

Dumalo sa pamamahagi ng relief packs sina Lt. Col. Allan Palomo, Deputy Provincial Director for Operations; Lt. Col. Felix Emeterio Valdez, Commanding Officer ng 48th Infantry Batallion ng Philippine Army; Lt. Col. Jordan Santiago, Chief of Police ng bayan ng Pandi at Brgy. Cacarong Chairman Mercado Estrella. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here