Home Pilantik Pugad ng Agila, nakahanda na!

Pugad ng Agila, nakahanda na!

33
0
SHARE

BAGAMA’T may mangilan-ngilan na nagsasabing di umano ay umangat ang estado ng pamumuhay ng ilang Bulakenyo, marami naman ang humihiyaw ng pagbabago na siya marahil ang nag-udyok sa isang simpleng tao upang lubusang makamtan ang minimithi at sigaw ng nakararami nating mga kalalawigan.

Siya si Mayor Christian “Agila” Natividad, anak ng kilalang tao na sa larangan ng pulitika na kahit minsan ay hindi nakalasap ng pagkatalo ng dahil sa ipinakita at ginawang bagay sa bawat isang Bulakenyo. Siya po si Teodulo Natividad ang orihinal na Agila ng ating lalawigan.

Dahil po kung ano ang puno ay siya ring bunga, alam nating lahat na ang lahat ng ipinunla ng kanyang ama na si Teodulo ay siya ngayong ipinagpapatuloy ng BATANG AGILA na si Atty. Agila Natividad.

Hindi lingid sa ating lahat lalo na sa mga Malolenyo kung gaano umangat ang lungsod ng Malolos sapul ng ng maupo bilang ama ng Lungsod na si Mayor Christian “Agila” D. Natividad. Totoong hindi kayang pasinungalingan ng sinuman ang kanyang galing at husay sa panunungkulan bilang alkalde.

Ngayon ay muling humaharap sa bawat isang Bulakenyo at nakikipagsapalaran ang nag-iisang AGILA upang maging maluklok bilang Ama ng Lalawigan ng Bulacan upang lubos pa niyang matulungan at maiangat ang pamumuhay at kalagayan ng mg maralitang pamilyang BULAKENYO.

Bagamat “putok na putok” na nagkakaisa ang maraming Kalalawigan ni Pilantik, kinakailangan pa rin na siguruhin ang napipintong tagumpay ng AGILA. Tagumpay sa isang malinis na pamamaraan. Batid ng inyong lingkod na magwawagi ang AGILA huwag lamang magkakabilihan o magkakadayaan na dapat nating bantayan at tutukan.

Batid rin ni Pilantik na sa darating na halalan ay hindi malayong paandarin ang makinarya at lalong hindi malayong bumaha ng milyun-milyong pera na siyang magiging hadlang sa pag-upo sa pugad ng Agila na dapat mapigilan upang mapanuto tayo tungo sa tagumpay at kaginhawahan ng bawat isang mamamayan ng Lalawigan ng Bulacan.

Sa mga kababayan at kalalawigan ng inyong lingkod, pagkakaisa ang tanging sandata sa tagumpay ng na-iisa at tunay ng AGILA. Sa kanyang paglipad, kapit lang at walang bibitiw. Honorable Governor Atty. Christian “Agila” Natividad, mabuhay. Mabuhay tayong mga tunay at tapat na mga Bulakenyo. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here