Home National News Pulis Batangas binaril sa ulo ng motorcycle-riding assassins

Pulis Batangas binaril sa ulo ng motorcycle-riding assassins

715
0
SHARE

BALAYAN, Batangas — Agad na binawian ng buhay ang isang pulis ng Balayan matapos barilin sa ulo ng motorcycle-riding assassins
sa Brgy. Distrirct 6, ng nasabing bayan nitong Linggo ng gabi (Nov. 11).

Nakilala ang biktima na si SPO1 Roderick R. Botavara.

Base sa report, galing umano sa Malabanan Resort ang biktima at pabalik na ng istasyon ng pulisya ng tambangan ng dalawang hindi kilalang suspek na parehong nakasuot ng black jacket.

Agad bumaba ang backride ng motorsiklo at mabilis na pinaputukan sa ulo ang pulis gamit ang dipa batid na kalibre ng baril at agad tumakas ang mga suspek matapos ang ginawang krimen patungo sa di tukoy na direksyon.

Naisugod pa sa Medical Center Western Batangas sa Brgy. Lanatan ang biktima subalit namatay din habang nilalapatan ng lunas ayon sa mga rumespondeng doktor.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation at naglatag na din ng Oplan Iron Curtain sa buong probinsya. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article5 patay, 1 nakatakas sa magkahiwalay na buy-bust ops sa Cavite
Next articleKeanna Reeves held for cyber libel
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here