Home News Report Pulis Makati, 4 na iba pa, timbog sa pagkidnap sa Chinese national

Pulis Makati, 4 na iba pa, timbog sa pagkidnap sa Chinese national

393
0
SHARE

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE — Arestado ang isang pulis at apat nitong kasamahan matapos silang matimbog sa isinagawang entrapment operation ng mga elemento ng Station Investigation and Detection Management Section (SIDMS) dahil sa pangingidnap sa sa Chinese national nu’ng Huwebes ng hapon.

Sa ulat kay NCRPO Chief Police Director General Guillermo Eleazar kinilala ang suspek na si PO2 Jaycee Abana, nakatalaga sa Traffic Investigator of Vehicular Unit (VTIU) ng Makati City Police Station at ang 4 nitong kasamahan na na kinabibilangan ng tatlong magkakapatid na Muslim na sina Mohalem Macapundag, Mohalil Macapundag, Muhamad Macapundag na pawang magkakapatid na muslim at isang Wenceslao Sevellejo.

Kinilala naman ang dalawang biktima na Chinese nationals na sina ChangBo Fang at Fang Zhang Bao na pansamantalang mga nakatira sa Yakal Street, San Antonio Makati City.

Base sa report ni Southern Police District (SPD) Director Police Chief Superintendent Tomas Apolinario nadakip ang 5 suspek matapos humingi ng tulong sina Tony Yu, Livian Bao at Jennifer Zarcilla sa mga otoridad.

Nakatanggap umano sila ng tawag na hawak ng mga suspek si Chang Bo na nasa lugar ng Nicanor Garcia St., Brgy. Poblacion, Makati City na sapilitan dinala ng mga suspek.

Nauna pa dito habang sakay  ng Lexus IS 300 Sedan ang dalawang Chinese ay pinara sila ng mga suspek na sakay ng isang Mitsubishi Montero at ipinaparada ang kanilang sasakyan sa harap ng isang mall habang bumaba naman ang isa sa mga suspek at tinutukan ng baril ang mga biktima at kinuha ang mga wallet nito.

Nagawa naman makatakbo ng isa sa mga biktima dahil sa takot at duon na humihingi umano ang mga suspek ng isang P1 milyong para sa kalayaan ni Changbo hanggang sa bumaba sa halagang P80,000 at duon na inilatag ang nasabing operasyon at nadakip ang limang suspek at mahaharap sa kasong Kidnap-for-Ransom. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here