Home National News Pulis Maynila huli sa aktong gumagamit ng cocaine

Pulis Maynila huli sa aktong gumagamit ng cocaine

246
0
SHARE

TAGUIG CITY — Huli sa akto ang isang pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) Station 1 ng gumagamit ng cocaine sa loob ng banyo sa Island Palace Club nitong Miyerkules ng gabi (Oct. 31) sa 9th Avenue, corner 38th St., Bonifacio Global City (BGC) sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ang suspek na si PO1 Redentor Bautista, 34-anyos, residente ng #001 Herbosa St., corner Matiisin St., Tondo, Manila.

Ayon sa report na ipinadala ni Southern Police District (SPD) Acting District Director Police Senior Supt. Eliseo Dela Cruz Cruz kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar inaresto ng mga otoridad ng Taguig City Police Station (PCP-7) sa pangunguna ni Station Commander Police Chief Insp. Joseph Austria, ang ang pulis matapos i-report ng isang Gary Palma na security at bouncer ng nasabing Club.

Nakumpiska kay PO1 Bautista ang 1 pirasong transparent plastic ziplock na may laman ng pinaghihinalaang cocaine na may timbang na 0.4 grams at isang (1) piraso ng small cut straw.

Dinala sa nasabing istasyon ng pulisya ang suspek para sa isinagawang imbestigasyon bago isinuko sa Station Drug Enforcement Unit para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naireport na din kay MPD District Director Chief Supt. Rolando B. Anduyan Jr., ang nangyaring pagkakadakip sa suspek.

Ayon naman kay NCRPO Police Director Eleazar bukod sa pagkakulong ay sisiguruhin din niya na may katapat na dismissal sa serbisyo ang naturang suspek. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article7 suspects in road rage in Hagonoy that killed car passenger arrested
Next article2 Abus killed, 2 wounded in Sulu encounter
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here