Home National News Pulis Maynila patay, 1 sugatan sa riding assassin

Pulis Maynila patay, 1 sugatan sa riding assassin

201
0
SHARE

MANILA — Patay ang isang pulis at sugatan naman ang isang sibilyan matapos madamay sa ginawang pamamaril ng nag-iisang gunman na lulan ng isang motorsiklo sa G. Tuazon St., Corner Mindoro St., Sampaloc, Maynila nu’ng Martes ng hapon.

Nakilala ang pulis na si PO2 Joel Padre Juan, 40-anyos, na naka- assign sa Police Station 4 Anti-Crime Unit ng Manila Police District (MPD), at ang ginagamot sa Ospital ng Sampaloc na si Gilbert Luna, 32, ng 949 Batanes St., Sampaloc, Maynila.

Mabilis na tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo na kulay itim at nakasuot ng helmet bitbit ang baril na ginamit papunta ng Galas, Quezon City.

Inaalam na rin ngayon ng mga imbestigador ng MPD Homicide Section at ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang dahilan ng pamamaslang sa nasabing pulis. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleNewspaper Edition: RONDA Balita vol. 4 blg. 20
Next article5 tigok, 2 kalaboso sa miyembro ng robbery group sa Batangas
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here