Home National News Pulis na may kasong murder kalaboso sa panunutok ng baril sa Paranaque

Pulis na may kasong murder kalaboso sa panunutok ng baril sa Paranaque

211
0
SHARE

PARAÑAQUE City — Arestado ang isang pulis matapos itong ireklamo ng panunutok ng baril at pananakit ng isang kapitbahay sa nasabing lungsod.

Nakilala ang suspek na si PO2 Gadie Guarino, 40-anyos, nakatalaga sa Calabarzon PRO 4A at residente ng Purok 4, 14 St. Silverio Compound, Brgy. San Isidro, Paranaque City habang ang biktima ay si Alberto Candion, 65, kapitbahay ng suspek.

Base sa report na ipinadala ni Southern Police District SPD Director Police Chief Supt. Thomas Apolinario kay NCRPO Chief Police Director General Guillermo T. Eleazar at sa isinagawang imbestigasyon ng Paranaque City Police Station agad umanong nirespondehan ng mga kapulisan ng Police Community Precinct (PCP-4) at mga barangay tanod ang bahay ng nasabing pulis dakong alas-8 ng umaga nitong matapos ipagharap ng reklamo ng biktima.

Subalit habang iniimbestigahan ang suspek ay napag-alaman na may nakabinbin pa pala itong arrest warrant para sa kasong murder na inisyu ng korte sa Bacoor City.

Agad dinisarmahan ang suspek at kinumpiska ang service firearms nito na cal. .9mm Jericho na baril na inisyu ng PNP, isang black holster, 2 magazine na may laman na 19 na bala.

Nahaharap ngayon sa panibagong kaso na Grave Threat, Physical Injury at Violation of RA 10591 ang nakakulong ng suspek. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleNFA rice starts being sold in accredited stores in Bulacan
Next article103 Bulakenyo youths benefit from PGB, DOLE’s SPES
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here