Home National News Pulisya, blanko pa rin sa pinaslang na doktora sa Las Piñas

Pulisya, blanko pa rin sa pinaslang na doktora sa Las Piñas

309
0
SHARE

BLANKO pa rin hanggang sa kasalukuyan ang pulisya sa magnanakaw at pumaslang sa isang doktora sa Las Piñas City nitong nakalipas na Biyernes.

Pinaslang saka pinagnakawan ang biktimang si Dr. Harivelle Charmaine Hernando ng suspek na kinilala lamang sa alyas “Mar” noong Biyernes ng madaling araw kasabat ang kasambahay na si Juvy Acero at dating drive ng doktora na si Dindo Legario.

Patuloy pa rin ang paghahanap ng Las Piñas police sa salarain na pumaslang sa doktora na 5 years ng dean ng isang medical school sa naturang lungsod at may 2 anak na naulila.

Sa imbestigasyon ng Las Piñas City Police Station, inamin ni Legario na si Acero ang nagplano ng panloloob sa bahay ng nasabing doktora pero wala aniya sa usapan nila ang paslangin ang biktima.

Sinabi ni Legario sa mga otoridad na ang ka-live in nitong si Acero ay inabutan ng kutsilyo ang alyas “Mar” hanggang sa pinag-uundayan na ng saksak ang doktora.

Gumamit ng hagdanan ang mga suspek para akyatin ang bintana sa bahay ni Hernando na kanilang iginapos sa pamamagitan ng kable hanggang ninakaw nila ang cellular phone at wallet ng doktora.

Nauna munang nabatid ng mga pulis ang krimen makaraang lumapit sa kanila si Acero na nagpanggap na nadiskubre umano nito ang bangkay ng doktora, pero, mas naniwala sila sa pag-amin ni Legario sanhi ng paiba-ibang salaysay ng katulong.

Inihahanda na ng imbestigador ang kasong robbery with homicide laban sa katulong ng biktima at nabanggit na tsuper matapos nilang aminin na kapwa sila sangkot sa krimen. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here