Home Rebelasyon Pulitika, hagdan nga ba sa pagpapayaman ng isang pulitiko?

Pulitika, hagdan nga ba sa pagpapayaman ng isang pulitiko?

280
0
SHARE

ISANG araw ng Linggo sa barberya ni Mang Isko…

“Pareng Isko, Ilan pa ba ang susunod dyan?” Ang bungad na tanong ni Mang Ponso.

“Ikaw na ang susunod dito Pareng Ponso. Upo ka muna d’yan at magbasa-basa ng dyaryo para  hindi ka naman mainip” Ang sagot naman ni Mang Isko.

May ilang sandali ring hindi nagkibuan ang magkumpare, at habang abala naman si Mang Isko sa paggugupit ng buhok nang magsalita itong muli.

“Siyanga nga pala Pareng Hugo, kumusta na ba ang lagay ng pulitika natin dito sa Bulacan. Nakita mo na ba sa  dyaryo.” Ang tanong ni Mang Isko.

Pinitik sandali ni Mang Isko ang hawak niyang gunting at suklay upang alisin dito ang buhok  at saka muling ipinagpatuloy ang paggugupit.

“Alam mo ba Pareng Ponso, na apat na eleksiyon na akong hindi bumoboto. Nakakasawa na rin kasi ang mga pulitiko, puro na lang mga pangako pero wala namang nangyayari. Puro pagpapayaman lang ang ginagawa ng mga ‘yan.” Ang parang naiinis na sinabi ni Mang Isko.

“Eh bakit mo naman nasabi ang ganyan Pareng Isko. Bakit, may kilala ka bang mga pulitiko na nagpayaman?” Ang tanong naman ni Mang Ponso.

“Wala pa naman Pareng Isko, pero ibabalik ko sa ‘yo ang tanong mo. Ikaw ba,ay may kilalang pulitiko na naging mahirap nang pumasok sa pulitika, o di ba ang lahat ng mga pulitikong ‘yan eh nagsipagyaman. Kitang kita mo naman ang ebidensiya sa kanilang magarbong pamumuhay di ba; At kung meron man sigurong naghirap na pulitiko, eh yung mga sugarol at.maraming Beth!”  Ang sabi ni Mang Isko.

“Ano ba yung Beth Pareng Isko?” Ang tanong Mang Hugo.

“Ano pa Pare,  eh di kabit. Kaya nga beth… kabit” Sabay  tawa ni Mang Isko at pati na ang kanyang ginugupitan ay natawa na rin.

“Kaya nga Pare kung ipinagpatuloy mo lang  ‘yung inumpisahan mong pagpasok sa pulitika, aba, eh baka mayaman ka na rin ngayon.” Ang parang panunudyo ni Mang  Isko sa kanyang kumpare.

“Oo nga Pareng Isko, eh kaso natalo tayo at nagkautang-utang pa ako sa imprentahan sa pagpapagawa ng mga campaign materials. Kaya tinigilan ko na. Tama na ’yung isang beses lang, Mahirap palang pasukin ang pulitika kapag maikli ang pisi mo.” Ang paliwanag naman ni Mang Ponso.

‘Iba na talaga Pare ang pulitika ngayon kesa noon. Noon kahit wala kang pera basta mabuti kang tao eh pwede kang manalo. Pero ngayon sa kalakaran ng ating pulitika kapag wala kang pera, ang  sasabihin sa ‘yo ng mga botante  hindi ka mananalo, kasi nga wala kang pera.” Ang paliwanag pa ni Mang Isko.

“Tama ka dyan Pareng Isko, ang pulitika ay para lamang talaga sa mga may pera.”

“Ang paniwala ko Pareng Ponso ‘yang pulitika eh hagdan ‘yan sa pagyaman ng isang pulitiko. kaya nga ayako ko ng bomoto, kasi parang nagiging kasangkapan pa tayo ng mga pulitikong ‘yan  sa kanilang pagpapayaman kapag nanalo. O tapos na ‘to Pare, ikaw na…Anong gupit ba?” Ang tanong ni Mang Isko.

‘Yun dati uli Pare, samahan mo na rin ng masahe…

 

SHARE
Previous articleKompanya na walang permit, malayang nakakapag-operate
Next articleAlam n’yo ba na bawal sa ating Saligang Batas ang political dynasty?
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here