Pumili nang tamang Party-list

0
80

MAGING mautak sana tayong mga mamboboto sa pagpili ng party-list na ating iluluklok sa darating na Midterm eletions.

Iboto po natin ay yung tunay na Party-list na makatutulong ng totoo sa mga marginalized sector na ininirepresenta ng naturang party-list.

Hindi po yung mga party-list na itinatag lang dahil sa mga pansariling interes.

Marami pong mga pulitiko sa ngayon ang bumuo ng sarilinmg part-list upang maluklok din sa pagka-kinatawan ang kanilang asawa o anak. Ginawa nilang itong palabigasan para sa isa pang puwesto sa Kongreso kahit na wala namang tunay na inirerepresentang grupo. Haissst.

Mahigit po sa 100 ang bilang ng party-list na ating pagpipilian upang ating iboto sa eleksyon sa Mayo. Kaya dapat ay mapagsuri tayo sa ating ibobotong party-list. Yung tunay na party-list na alam nating makatutulong sa ating mga kailangan at hinaing sa lipunan.

Huwag po tayong padadala sa bulong ng kaibigan natin, sa pakikisama, sa utang na loob, sa popularidad. Iboto po natin yung nasa ating puso.

Lagi po nating isaalang-alang sa lahat ang kapakanan ng bayan sa pagpili ng party-list na iboboto.

Ito rin po sana ang ating gagawin sa mga iboboto nating kandidato sa Mayo na magsisilbi sa bayan ng tatlong taon.

Huwag po nating ipagbili ang ating boto dahil ito lang ang karapatan nating puede nating maipagmalaki sa ating mga anak. Bumoto ayon sa sinasabi ng konsensya.

Una sa laaht ay kilalanin ang pagkatao ng napipisil nating iboto. Kung ito ay may kakayahan para manilbihan.
Alamin ang mga isyu, plataporma de gobyerno, at programa ng kandidatong nais iluklok para magsilbi sa bayan.

Bumoto ng buong puso at naaayon sa mata ng Diyos at ng tao. Bumoto ng tama at huwag ibenta ang ating boto! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here