PUP may problema pala? Kailangan ang Malakanyang

0
69
Opinion Column ni Vic  Billones lll

BIGYAN natin ng pahapyaw na pansin ang ulat na ating napag-alaman. Ito ay hinggil sa suliraning bumabalot sa katayuan ng paaralang Polytechnic University of the Philippines (PUP) na minsan ay nais na ihalintulad ang nasabing paaralan sa katayuan ng University of the Philippines at Mindanao State University. Ito ay naunsiyami dahil na-‘vetoed’ ni Pangulong Rodrigo Duterte noong September 2019, ang ‘consolidated Senate Bill 2124 at House Bill 9023.

Ang nasabing ‘bill’ batay sa ulat ay hindi umano napagusapan sa ‘academic community’ bago ipadala sa Kongreso, ‘for deliberation for fear of opposition from the academic sector.’

’Ika pa ng ulat, dahil sa hindi pagpirma ni Duterte, ay bumuo ng ‘Search Committee’ ang mga kasalukuyang nanunungkulan sa PUP, na mag-‘recruit’ at suriin ang mga aplikante para sa bagong Pangulo ng PUP.

Dahil dito ay nais ng ulat na magkaroon ng ‘intervention’ ang Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, na mag-constitute ng bagong set of members para sa Search Committee upang magkaroon ng patas at maging makatwiran ang selection process. Nais nilang magkaroon ng Officer-in-Charge (OIC) mula sa Tanggapan ni Duterte, upang makipagtulungan sa Lupon ng Tagapamahala ng Search Committee, na magsisilbing mata ng Malakanyang at magsasaayos ng parehas na pagpili sa mga aplikante para sa pagka-pangulo sa naturang unibersidad.

Nais ng ulat na ihinto muna ang Search Committee for the PUP Presidency hanggat walang naitatalagang OIC para masiguro ang ‘smooth transition.’

Tsk! Tsk! Tsk! Kailangan ang pakikialam ng Palasyo ng Malakanyang sa naisin ng nasabing ulat. Iyan ay para na rin sa kabutihan ng lahat ng mga mag-aaral ng PUP. Sana ay mabigyan pansin ito ni Pangulong Duterte.

*****

Disiplina ang kailangan ng bayan

Disiplina ang kailangan ng bayan, sana hindi lamang ang ilang ordinaryong mamamayan na kadalasang sumusuway sa mga alituntunin ng pamahalaan, ang silang dapat na dumidisiplina sa kani-kanilang sarili, kundi maging ang mga nagpapatupad ng batas ay magkaroon din ng paggalang sa kanilang mga katayuan, unipormeng suot at disiplina sa pagpapairal ng batas, ito ay sa anumang tanggapan ng pamahalaan o sa lansangan.

Ating naiulat sa social media ang “no helmet no ride policy” sa Lalawigan ng Bulacan na tila lagiang binabaliwala ng mga motoristang matitigas ang ulo, walang disiplina at walang paggalang sa batas na pinaiiral sa naturang probinsiya. Ang ganitong gawain ng mga pasaway na nagmo-motorsiklo ay madalas na napapansin ng Katropa.

Ang ating mga kinauukulang awtoridad ay kailangang magpatuloy sa kanilang kalugod-lugod na pagsisiskap at mapamaraang pamamahala na bigyan diin ang nasabing patakaran sa nasabing lalawigan. Ang partisipasyon at pagsunod ng mga motorista sa polisa o palakad na nabanggit na lugar ay kinakailangan, upang sa gayun ay lalong mapabuti na masiguro ang kaligtasan ng mga sakay sa motorsiklo, mula sa mga naka-ambang panganib o aksidente sa lansangan.

Dahil sa isyung ito at minarapat nating kausapin si G. Abel Beltran, Hepe ng Land Transportation Office (LTO,) Sta. Maria, Bulacan. Ayon kay Beltran lagiang pinatutupad nila ang Road Safety Awareness. Ipinabatid pa rin sa Katropa na ang kanilang ahensiya ay marami ng nahuling motorista na naglalayag na walang mga suot na helmet. “Maraming ayaw sumunod at mga walang disiplina.” wika ni Beltran.

Tsk! Tsk! Tsk! Hindi lamang No helmet no ride policy ang ipinagbabawal, kundi ang No Face Mask policy sa lahat ng mga motorista sa Bulacan. Ito kasi ang kadalasang ginagamit ng mga kriminal na kung tawagin ay riding-in-tandem gunmen. Maraming sumusuway sa policy na iyan. Siguro panahon na, upang disiplinahin na ang mga matitigas na ulong riders. Alalahanin po ninyo, magkaminsan ang katigasan ng ulo ay siyang mitsa ng kamatayan.

Narito ang ating email address: billones@ralo.org. Hanggang sa muli. (RONDA BALITA Online)

Previous articleMag-anak sa Bacolor, arestado sa droga!
Next articleP/Lt. Col. Rizalino Andaya, kinilala bilang Best Chief of Police
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here