Pwedeng makabili ng sigarilyo pero bawal magpasindi!

4
4460

HINDI ko alam kung matatawa ako o maiinis, mayayamot o mapapamura to the max ng mabasa ko sa mga tindahan na may tindang mga sigarilyo!

In bold letters pang talaga at malalaking letra mong mababasang “Pwedeng makabili ng sigarilyo pero bawal magpasindi!”

Noong tanungin ko yong aleng nagtitinda ay kung bakit naglagay pa siya ng ganoong klaseng karatula?

Utos daw yon sa kanila ng munisipyo kung kaya sinunod lang nila.

Ewan ko kung ano ang gustong mangyari ng mga namiminuno sa ating mga lokal na pamahalaan dito sa lalawigan ng Bulacan?

Ano at nasaan ang lohika sa mga ipinagawa nilang mga karatulang ito sa mga tindahang nagbebenta ng sigarilyo.

Kaya eto na naman tayo mga kababayan at mga kalalawigan.

Uulitin ko na naman ang pagtalakay ukol sa kautusan ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipinagbabawal na ang paninigarilyo sa lahat ng mga pampublikong lugar, ospital, opisina at maging sa mga pampublikong sasakya.

Okey naman ang kautusang ito.

Kaya lang lumalabas na unfair ang kautusang ito sa mga smokers.

Paanong mapaglalabanan ng mga maninigarilyo sa mga deklaradong bawal na mga lugar kung meron pa ring mga nagtitinda at nabibiling sigarilyo.

Siyempre habang may mga nagtitinda at nabibiling sigarilyo ay hindi mapipigil ang mga smokers na manigarilyo.

Kung talagang seryoso ang ating mga namiminuno sa nasyonal at lokal, ang dapat talagang ipatigil at ipasara ay itong mga pabrikang gumagawa at nagpapakalat ng sigarilyo sa ating bansa.

Mahigpit na ring ipagbawal ang pagpapasok o pag-importa ng mga sigarilyong galing sa iba’t-ibang bansa.

Ibibigay ko lang ulit ang aking suhestiyon sa ating mga magigiting na mga nanunungkulan sa ating pamahalaang Nasyonal at Lokal na unawain at namnamin ang ibig kong sabihin.

Useless lang ang mga ginagastos ng ating pamahalaan para sa kanilang sari-saring kampanya at propaganda para mapatigil na ang lahat ng Smokers sa kanilang paninigarilyo.

Hindi n’yo ba napapansin o ayaw n’yo lang pansinin na kahit anong gawing paraan at pinagkakagastusan pang talaga ng malaki ng ating pamahalaan ang kanilang kampanya kontra sigarilyo.

Naroong tinaasan at muling tinaasan ang buwis o tax ng sigarilyo at alak. (natigil ba?)

Pinagastos ang mga pabrikang gumagawa ng sigarilyo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga litrato na ipinapakita sa kung ano ang maaaring mangyari sa iyo kapag hindi ka tumigil ng paninigarilyo.

Hindi pinansin ang taas ng presyo ng sigarilyo at kahit magkaroon pa sila ng mga karamdamang tulad ng ipnapakitang mga litrato sa bawat kaha ng sigarilyo ay hindi nila ito binigyan man lang ng pansin at tuloy pa rin sa pagpapa-usok ng sigarilyo.

Para sa inyong mga kaalaman ang mga smokers ay wala na ring ipinagkaiba sa mga addict na bumabatak ng shabu!

Ang mga adik sa shabu hinuhuli. Gayundin naman ang mga smokers, ngayon ay huhulihin na rin kapag nagsigarilyo sa mga ipinagbabawal na lugar.

Sa shabu ay mayroon silang tinatawag na mga pusher o tagabenta, Sa sigarilyo ay itong mga nagtitinda ng hayagan ang maihahalintulad mo sa pusher.

Druglord naman ang tawag sa mga may-ari ng mga pagawaan ng shabu,tulad din ng mga druglords ng shabu itong mga may-ari ng pabrika o pagawaan ng sigarilyo.

So, siguro kung talagang gusto ng mga namiminuno ng ating pamahalaan na matigil na ng tuluyan ang mga Smokers sa kanilang mga paninigarilyo, ang suhestiyon ko ay kung ano ang batas na ipinatutupad kontra illegal na gamot o Shabu ay siya n’yo ring mahigpit na ipatupad sa mga smokers.

’Yan ay kung talagang seryoso kayong matigil na ang paninigarilyo dito sa ating bansa!

Ipatupad na din ninyo sa mga Smokers ang kasabihang “save the users, jail the pushers and kill the drug lords”.

Sa madaling salita ay kung ano ang umiiral na parusa para sa mga may kinalaman sa shabu ay siya n’yo na ring ipatupad sa mga smokers o user seller o pusher, may-ari ng pabrika o drug lords.

Kapag naisagawa at naipatupad ninyo ang mga bagay na aking nabanggit ay walang pagsalang magtatagumpay ang inyong layunin na maging smoke free ang ating bansa.

Kung sakaling hindi n’yo naman maipapatupad ang naging suhestiyon kong ito ay masasabi ko na ng hayagan na hindi kayo magtatagumpay sa kampanya at pangarap ninyong maging smoke free ang ating bansa.

Magiging kawawa lang at agrabyado ang mga smokers dahil sa hindi maiiwasang ang mga ito ang siyang magiging palabigasan ng mga manghuhuli.

At iyan ang talagang magiging senaryo ng useless at non-sense na pamamaraan ninyo sa pagpapatigil at paghihigpit sa mga smokers.

Habang matuloy na may mga nagtitinda at gumagawa ng sigarilyo.

Bukas po ang pitak na ito para sa inyong mga reaksyon, sumbong o mga karaingan. Maaari po ninyong ipadala sa aking e-mail add: archiejim145393@yahoo.com

 

4 COMMENTS

  1. panu nman naging kawawa ang mga smokers eh kayo na nga naninira ng kalikasan at naninira ng kalusugan ng iba. . buti nga pinag bibigyan pa kayo makabili ng sigarilyo ilugar nyo lng. .
    bawal mag sindi kc ayw namin ng usok nyo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here