Quarantine facility para sa mga Bulakenyong OFWs, bukas na

0
511
Ininspeksyon kamakailan ni Gob. Daniel R. Fernando ang quarantine facility na nakalaan para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa College of Social Science and Philosophy Building sa Bulacan State University-Main Campus na may 11 kwarto at at naglalaman ng 88 na higaan. (Mga larawan mula sa Provincial Public Affairs Office)

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Ininspeksyon kamakailan ni Gob. Daniel R. Fernando ang quarantine facility na nakalaan para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na ngayon ay bukas na at handang tumanggap ng mga pasyente.

Ayon kay Fernando, upang makatulong na mapabilis ang proseso ng pag-uwi ng mga OfW sa kanilang nga pamilya, nagdesisyon siya na maglaan ng quarantine facility sa College of Social Science and Philosophy Building sa Bulacan State University-Main Campus sa lungsod na ito na may 11 kwarto at at naglalaman ng 88 na higaan.

Nilinaw ng gobernador na layon ng naturang pasilidad na matulungan ang mga makabagong bayani at hindi para pahabain o doblehin pa ang kanilang paghihirap.

“Ito ay tugon natin bilang mga kapwa Bulakenyo na kung wala silang lugar na conducive for home quarantine o sa mga munisipyo nila, makakaasa sila na dito sa Bulacan, may mauuwian sila at maa-accommodate sila, ito ay bukas na at ready for accommodation anytime,” ani Fernando.

Ipinaliwanag din ni Dr. Jocelyn Gomez, pinuno ng Incident Command Post Team, na matapos magnegatibo sa PCR test na isinagawa sa airport o saanmang itinalagang lugar at maipakita nito ang mga kaukulang dokumento kasama na ang sertipiko ng negatibong resulta ng PCR test, kailangan pa ring sumailalim sa 14 na araw na home quarantine alinsunod sa alituntunin ng Department of the Interior and Local Government.

“Kung na-test na doon at negative, kailangan pa rin mag-quarantine ng 14 days sa bahay pero coordinated sa mga munisipyo ‘yan para ma-check kung talaga bang may lugar sa bahay na isolated sila, kung wala, sa munisipyo nila.Kung wala pa rin, sa facility ng province pupunta and it is a requirement,” paglilinaw ni Gomez. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here