“Queen of Pop’ di tanggap ng Sarah G. fans para kay Geneca

0
122

ISA sa ten celebrity contenders ng Your Face Sounds Familiar si Geneva Cruz.

Sa kanyang social media ay may pinost siyang siya raw ang winner.

Aniya: “Hindi ko po inaasahan na manalo, ang gusto ko lamang po ay ang mag-enjoy sa pag-transform into my favorite music icons. Everyone is cool mukhang masaya ito. This is just what the country needs kasi ang daming negative vibrations diba? #music and #laughter are always good for the soul.”

Humingi rin si Gen ng paumanhin sa mga fans ni Sarah Geronimo. Binigyan kasi siya ng ABS-CBN ng titulong Queen of Pop.

Si Sarah kasi ang tinaguriang Royalty Pop Princess at nagreak daw ang mga fans ng singer-actress nang ibigay ang title na Queen of Pop kay Geneva.
Ayon a former vocalist ng Smokey Mountain, nagulat daw siya nang tawagin siyang Queen of Pop.

Ani Geneva: “I didn’t ask them to give me that title. Nagulat na lang din ako ng yan ang tawag nila sa akin. I just want to be called by my name, ang I only want to perform and not offend anyone. Please don’t be upset with me.”

Sinabihan na rin daw niya ang executive producer ng ABSCBN na baguhin ang description sa kanya para walang confusion.

Komento ng mga netizens sa mga fans ni Sarah.

“Toxic naman ng fans. Jusko nung peak ni Geneva as smokey mountain member walang wala sa kalingkingan yung idol nilang puro flat notes.”
“Weh di rin naman ganon kgaling si Geneva.!”

“mas Lalo naman si Sarah na Contest singer na Gaya Gaya lang sa foreign artists.”

 “Itong idol mong overrated, sige nga parinig nga na walang semplang?

 Netflix show nga niya sablay ang mga cover songs. Kaloka ka.”

“Trots. Jusko sa Netflix concert pa Lang cringe na. Bumawi lang sa Tala. Kaloka.”

“In fair walang toxic na ginawa ang sarah fans kay geneva. Nagiingay lang si tita”

“Singer na kumakanta si Geneva. Hindi siya biritera na nakakasakit ng tenga.”

“Magaling si Geneva. In fact kahit hindi siya maganda siya ang lead ng Smokey Mountain bec of her talent try nyo check old videos niya”

“Siguro ngayon di na ganun kagaling si geneva. Pero nung late eighties and early nineties Mas patok siya kaysa Kina regine, Dessa, donna, lea salonga, etc.”

“As for Sarah g, no comment na lang sa mediocre singing niya. Lol.”

“toxic talaga ang popsters, naalala ko mga 2 years ago yata may isang artista na nag post ng photo with mateo kasi may hosting/endorsement gig sila. Inaway na agad ng popsters yung girl nakakaloka” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here