Quiboloy kinasahan ang hamon ni Vice Ganda na patigilin ‘Ang Probinsyano’

0
222

TINANGGAP ni Pastor Apollo Quiboloy ang hamon ni Vice Ganda na pahintuin na ang long-running action-serye ni Coco Martin, Ang Probinsyano at ang traffic ng EDSA.

“When do you want it to stop,” ani ng founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc.

Naging laman kasi ng balita si Quiboloy nang sabihin niyang siya ang nagpahinto ng malakas na lindol sa Mindanao kamakailan.

Headline ng mga balita si Quiboloy dahil sa kanyang claim na pinahinto niya ang malakas na lindol sa Mindanao na nanalanta noong nakaraang linggo.

Sumigaw lang daw siya ng ‘Lindol Stop!’ kaya raw tumigil ang lindol.

Dahil doon naging paksa ng usapan ang Pastor.

Ani Vice kay Pastor Quiboloy: “Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo yung traffic dun! Iba ka Quiboloy!”

Naging tampulan siya ng biruan ng mga host ng It’s Showtime na sina Vice at Jhong Hilario.

Naging sentro si Pastor ng biruan sa noontime show ng Kapamilya Network.

“Nako, kabahan si Cardo!” ani Vice sa role ni Coco sa Ang Probinsyano.

“Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. ’Yung nagpahinto ng lindol.

“So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e,” sambit ni Vice.

May pahabol pa siyang “Napakayabang niyo pala!”

Hindi inurungan ng Pastor ang hamon ni Vice.

Sa Spotlight program ni Quiboloy, tahasan niyang tinatanggap ang hamon ng Unkabogable phenomenal star.

“When do you want it to stop? “One month? Two months? Four months? You choose.”

May pagbibiro pang sinabi si Quiboloy, “Maybe in four months it’s not just Probinsyano that comes to stop, maybe it’s your network, too.”

Ang binabanggit ni Quiboloy ay ang ABS-CBN na hanggang ngayon ay di pa umano pinapayagang ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-renew. Si PD30 ay kaibigan ng Pastor.

Hinggil naman sa traffic, heto ang sabi ni Quiboloy.

“How do I stop it? It’s already not moving. The challenge should be to let traffic flow.

“EDSA is already a huge parking lot. How can I stop something that’s already at a standstill?”

Hindi lang si Vice ang unang humamon sa Pastor.

May isa na ring netizen na hinamon siyang patigilin na raw ang awayan ng Barretto sisters. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here