Rafael Rosell balik-Kapamilya

0
243

BALIK-KAPAMILYA pala si Rafael Rosell after seven years niyang namalagi sa GMA-7.

Mapapanood ang actor sa drama anthology ng ‘Ipaglabas Mo’ bago magtapos ang buwan nitong Hulyo kung saan makakasama niya si JM de Guzman.

Hindi pa nagsasalita si Rafael hinggil sa pagbabalik sa dati niyang home studio.

Pero sa teaser ng fifth anniversary ng ‘IM’ ay naka-post na ang picture ng actor.

Si Rafael ay huling napanood sa teleserye ng ABS-CBN nu’ng 2012 via ‘Dahil sa Pag-ibig.’

Huli naman siyang napanood sa ‘Dragon Lady,’ ang afternoon drama series ng Kapuso Network.(RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here