Home Bulacan Local News Rebolusyon para isalba ang Marilao-Meycauayan-Obando River, idineklara

Rebolusyon para isalba ang Marilao-Meycauayan-Obando River, idineklara

31
0
SHARE
Sa pagdiriwang ng Ika-441 Taon ng Pagkakatatag ng Bulacan bilang isang lalawigan, nagdeklara ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pamamagitan ni Undersecretary Juan Miguel Cuna, ng isang rebolusyon upang tuluyan nang matuloy ang pagbuhay sa kailugan ng Marilao-Meycauayan-Obando. (Kuha ni Shane Frias Velasco)

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nagdeklara ng rebolusyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para isalba ang kailugan ng Marilao-Meycauayan-Obando ngayong nagdiriwang ang lalawigan ng Ika-441 taon nitong pagkakatatag.

Sa mensahe ni DENR Secretary Roy Cimatu na binasa ng kanyang kinatawan na si Undersecretary Juan Miguel Cuna, sentro nito ang pagbibigay diin sa nasabing rebolusyon upang tuluyang maisalba ang nasabing kailugan. Ayon pa kay Usec. Cuna, upang maging tuluy-tuloy at maging matagumpay ang idineklarang rebolusyon, kinakailangan aniyang madaliin ng mga pamahalaang lokal ang pagkukumpleto ng mga Sewerage Treatment Plant (STP) sa kahabaan ng MMORS.

Ibig sabihin, kinakailangan na matiyak ng mga pamahalaang lokal ng Marilao, Meycauayan at Obando na maubliga ang bawat establisemento na nasa gilid o nakatayo malapit sa MMORS na magkaroon ng sariling STL. Bukod dito, pinaalalahanan din niya ang nasabing mga pamahalaang lokal na dapat maging matino ang pagpapatupad sa Ecological Solid Waste Management Act o ang Republic Act 9003 sa pangangalaga ng MMORS. Ibig ding sabihin, panahon na upang hindi lamang alisin ang dumi sa MMORS kundi alisin din ang pinanggagalingan ng mga dumi gaya ng mga tirahang iligal na naitayo sa gilid nito.

Taong 2007 nang maitala sa listahan ng Blacksmith International sa United States ang MMORS na kauna-unahan sa tinatawag na ‘Dirty Thirty’ o pinakamarumi sa 30 pinakamaruruming ilog sa buong mundo. Kaya’t noong 2008, sa pangunguna ng DENR, binuo ang Water Quality Management Area o WQMA na isang kapulungan ng iba’t ibang ahensiya at sektor upang bumuo ng mga plano at hakbang upang isakatuparan ang pagbuhay sa MMORS.

Kaugnay nito, tinatawagan naman ng pansin ni Usec. Cuna ang WQMA na bilisan ang mga kilos at paggawa ng desisyon sa mga hakbang sa pagbuhay sa MMORS partikular na ang malawakang dredging o pagpapalalim ng nasabing ilog. Hinalimbawa rito ang ginawang matagumpay na dredging sa Ilog Pasig sa tulong ng Bagger Wartken ng Belgium noong 2009. Nanawagan din siya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na magkaroon na ng pagsusuri kung paano isasagawa ang planong malawakang dredging.

Samantala, bilang panimula ng idineklarang rebolusyon para sa pagbuhay ng MMORS, ipinaliwanag naman ni Engr. Paquito Moreno, regional director ng DENR-Central Luzon na isinama na sa sakop ng rehabilitasyon ng Manila Bay ang pababalik sa buhay biyolohikal ng MMORS

Source: Shane Frias Velasco/PIA

SHARE
Previous articleMamamayan ng Rehion 1, naalarma sa ‘terrorist attack’ isyu
Next articleNational Drug Education Program in Bulacan
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here