Home People & Community REKTA at RONDA Balita Online, nagsagawa ng outreach program

REKTA at RONDA Balita Online, nagsagawa ng outreach program

37
0
SHARE

GUIGUINTO, Bulacan — Labis ang kasiyahan ng mga batang pinagkaitan ng magulang at tirahan mula sa Bethany House of Orphan sa bayang ito matapos magsagawa ng Outreach Program ang Pahayagang Bagong Rekta Taliba at RONDA Balita Online kung saan inilaan sa kanila ang isang natatanging feeding program na sinamahan ng mga parlor games bilang maagang pamaskong handog.

Isang makabuluhang programa ang isinagawa sa Bethany House of Orphan noong Oktubre 27, 2019 kung saan sa loob ng 3 oras ay nakapiling ng mga batang paslit ang kanilang idolong si Jollibee na nagbigay kaaliwan sa kanilang pangungulila kaalinsabay ng pagkain nila ng kanilang paboritong Chicken Joy. Nagkaroon din ng mga parlor games at pamamahagi ng maagang pamaskong handog sa kanila.

Layunin ng outreach program na ito mula sa pinagkakatiwalaang lokal na pahayagan sa lalawigan, ang Bagong Rekta Taliba at RONDA Balita Online na mabigyan ng kaukulang kasiyahan at katuwaan ang mga batang paslit sa nasabing bahay-ampunan bago matapos ang taong 2019.

Hangad ng mga pahayagang nasambit na magkaroon ng isang natatangi at makabuluhang programa na ilalaan sa mga batang pinagkaitan ng magandang kapalaran taun-taon.

Kaya naman sa tulong na rin ng mga pangunahing sponsors mula sa mga pribadong sektor at local government units (LGU’s), matagumpay na naisagawa ang nasabing programa na naging inspirasyon sa mga batang paslit rito.

Taun-taon ay isinasagawa ng mga publications na ito ang nasabing programa para bigyang kasiyahan ang mga batang paslit sa mga bahay ampunan at bilang kapalit na rin sa mga biyayang ibinibuhos ng Maykapal sa mga pahayagang ito na ibalik sa pamamagitan ng paggawa ng makabuluhang programang magiging kaaliwan ng bawat batang paslit na masasabing pinagkaitan ng sariling tahanan at inabandona ng kanilang sariling magulang.

Sa temang “Bringing Joy To Orphan Kids”, matagumpay at mapayapang naisagawa ang Feeding Program na ito sa pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng Bethany House of Orphan na siyang naglaan ng mahalagang oras para sa nasabing okasyon. Inilaan rin ang mga reaglong handog para sa mga batang paslit tulad ng bigas, gatas, bottled water, bread, candies at iba pang mahalagang bagay na magagamit nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here