Rep. Alvarez humingi ng sorry kay Maja Salvador

0
94

HUMINGI ng apology si Rep. Franz ‘Chicoy’ Alvarez kay Maja Salvador nang i-reject ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN.

“Sorry hanggang dun lang kinaya ko, Maj,” ani Rep. Chicoy sa viber group chat ng mga Nuñez clan.

Ibinahagi ni Apet Roa Nuñez na siya ay lubos na nalulungkot sa hindi pagbibigay ng prangkisa sa higanteng network, lalung-lalo na raw sa kanyang dalawang nephews — Hon. Franz “Chicoy” E. Alvarez, chairman of the House Committee and legislative franchise at Rambo Nuñez, ang boyfriend ni Maja Salvador. Ang dalawang pamangkin umano ang sobrang naapektuhan sa sitwasyon.

Ani Apet sa kanyang Instagram account, “If it has been a heartbreaking & painful week for the majority how much more to our family. I’m speaking here as the Tita Ap of my two nephews.”

Dugtong pa ni Apet, “I got emotional at the family Viber group. Chicoy, being the House Commitee on Legislative Franchises Chairman, & Rambo being the boyfriend of Maja Salvador. Not much words are being said just broken hearts & crying emotions at the time when a resolution is about to be made.”

“There’s nothing to fake outside the limelight & TV Coverage.”

Sinabi rin ni Apet na ginawa raw ni Rep. Chicoy ang lahat at humingi ng sorry kay Maja dahil parte raw ng family’s Viber group chat ang Kapamilya actress.

“Sorry hanggang dun lang kinaya ko Maj,” paumanhin ng mambabatas kay Maja.

Nagpasalamat naman si Rambo on her girlfriend’s behalf.

“Salamat Kuya, alam kong madami kang tinulong sa ABS CBN, inilaban mo na may hearing.”

Klinaro rin ni Rambo kung bakit hindi bumoto ang kanyang brother-in-law bilang chairman ng committee.

Ani ng boypren ni Maja: “My brother in law did not vote as the Chairman of the Committee and would only vote in case of a tie. I hope you refrain from judgments like that because that itself is a problem.” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here