Home National News Responder’s Day, isinagawa para kilalanin ang kasipagan ng mga rescue teams

Responder’s Day, isinagawa para kilalanin ang kasipagan ng mga rescue teams

72
0
SHARE

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Isang natatanging araw ang inilaan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Christian D. Natividad at Vice Mayor Gilbert Gatchalian para sa mga rescue teams sa lalawigan ng Bulacan kamakailan.

Ang naturang araw na tinawag na Responder’s Day ay isinagawa noong Nov. 3, 2018 sa Malolos Sports and Convention Center ay dinaluhan ng iba’t ibang rescue teams at nagkaroon ng mga palaro at munting salu-salo.

Naglalayon ang Responder’s Day na kilalanin at ipagdiwang ang kasipagan at kahusayan ng mga rescue teams na laging handa na gugulin ang kanilang buhay at panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng iba lalo na nga sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Sinaksihan din ang natatanging araw nina Bokal Ajo Mendoza, City Admnistrator Atty. Zaldy Mendoza at mga dating manlalaro ng PBA bilang mga panauhing pandangal. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePRO3 joins 4th Nationwide Earthquake Drill
Next articleBabaing tulak sa Ilocos Sur, huli sa buybust
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here