Home National News Ricky Silverio, tatakbong Kinatawan ng 3rd District ng Bulacan sa Kongreso

Ricky Silverio, tatakbong Kinatawan ng 3rd District ng Bulacan sa Kongreso

279
0
SHARE
Inendorso ni dating PNP chief, BuCor Director at tatakbong senador na si Ronald “Bato” Dela Rosa ang kandidatura ni Ricky Silverio bilang Kinatawan ng Ikatlong Distrito sa Kamara de Representante sa 2019 Midterm election. Kuha ni Jason Estrada

SAN RAFAEL, Bulacan — Sa hangaring mapaglingkuran ang mga kababayan sa ikatlong distrito ng Bulacan, nais sundan ni Ricky Silverio ang yapak ng kanyang namayapang ama na si dating Congressman Carding Silverio.

Tatakbo bilang senador na si Ronald “Bato” Dela Rosa, Ricky Silverio bilang Kinatawan ng Ikatlong Distrito sa Kamara de Representante at Gen. Frank Villaroman bilang alkalde ng bayan ng San Rafael habang kinakapanayam ng piling mamamahayag sa lalawigan ng Bulacan kamakailan. Kuha ni Jason Estrada

Pormal ng nagpahayag si Ricky Silverio ng kanyang kandidatura bilang Kinatawan ng 3rd District ng Bulacan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 2019 Midterm election sa kaarawan ni dating Heneral at tatakbong alkalde ng San Rafael na si Frank Villaroman noong October 4.

Nais nang batang Silverio na ituloy ang naunang paglilingkod ng kanyang ama sa mga kababayan sa ikatlong distrito na kinabibilangan ng mga bayan ng Angat, Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael.

Hindi na bago sa larangan ng pulitika dahil nagisnan ni Ricky ang ilang dekadang paglilingkod ng kanyang ama mula sa pagiging congressman hanggang sa pagiging isang punong bayan ng San Rafael.

Si Ricky ang lehitimong anak ni Tata Carding Silverio na mula sa prominente iginagalang na pamilya hindi lamang sa lalawigan ng Bulacan maging sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang kandidatura ng batang Silverio ay suportado ng kanyang pamilya mula sa kanyang mabait na maybahay na si Mam Dana at tatlong anak na sina Kathy, Daniel Mark at David John.

Malaki ang paniniwala ng mga taga-ikatlong distrito na mas magiging epektibo bilang Kinatawan nila si Ricky sa Mababang Kapulungan.

Mas madali umanong maiaakyat ang mga ipanunukalang batas nito para sa kapakakan ng mamamayan dahil tunay na dugong Silverio ang nananalaytay dito at namana ang galing at husay ni Tata Carding na kanyang ama.

“Nangangako ako sa mamamayan ng 3rd District ng isang tapat at mahusay na paglilingkod,” ani Ricky Silverio sa naging panayam ng RONDA Balita Online News kamakailan sa kaarawan ni dating Heneral Frank Villaroman na tatakbo naman bilang alkalde ng San Rafael. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here