Home News Report ‘Riding Inspection’ sa buong lungsod, inilatag ng Malolos City police

‘Riding Inspection’ sa buong lungsod, inilatag ng Malolos City police

624
0
SHARE

MAGDAMAG at maghapong sakay ng kanilang mga motorsiklo ang ilang miyembro ng Malolos City Police office upang magsagawa ng inspection sa buong siyudad upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga Malolenyo habang abala ang lahat sa paghahanda ng 31st ASEAN Summit bukas.

Ayon kay P/Supt. Heryl “Daguit” Bruno, Malolos City chief of police, 24-oras aniya ang ginagawang pag-iikot ng kapulisan gamit ang kanilang malalaking motorsiklo upang mabilis na malibot ang siyudad at matiyak ang kapayaan.

Sinabi pa ni Bruno na halos 100% ng kanyang mga tauhan ay halinhinang nag-iikot sa mga lansangan para tiyakin na kung magkaka-aberya sa NLEX ay magiging mabisang alternatibong daan ang McArthur Highway ng Malolos.

Idinagdag pa ni Bruno na mahigpit rin nilang binabantayan ang mga susulpot na krimen kung mayroon man sa kabila ng pagiging abala ng kanilang hanay sa ASEAN Summit.

Mensahe ng masipag na hepe ng Malolos na makiisa ang lahat at hinimok ang kanyang mga tauhan na mabilis makipag ugnayan sa command center kung may suliraning kakaharapin.

Maging si Bruno ay kasama sa “Riding Inspection” at laging nangunguna sa paglalatag ng check point sa buong siyudad.

Ronald Castro/RONDA Balita Online News

SHARE
Previous articleProduktong Bulakenyo, Patok sa mamimili!
Next articleWorld leaders’ arrival at Clark ‘generally smooth’
Team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multi media press centers are active nowadays. The people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern news agency whose products include newsfeeds, websites, and social networking and it is entitle RONDA Balita, Online Pahayagan ng Masang Intelihente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here