Rita Daniela ‘big asset’ ng Kapuso

0
695

ISA si Rita Daniela na maipagmamalaking artist ng GMA-7. Una siyang isinabak bilang singer dahil winner siya sa Popstar Kids, isang reality singing competition ng Kapuso na hinost ni Kyla kung saan ang gamit niyang pangalan ay Rita de Guzman.

After ng competition isinama si Rita sa mga teleserye ng GMA-7, nakitaan siya ng management na mas may ibubuga sa pag-arte kaya itinambal siya kay Ken Chan sa My Special Tatay bilang si Aubrey.

Pinuri ng televiewers si Rita sa naturang teleserye. Pero sadyang passion ni Rita ang pagkanta kaya nang mag-guest siya sa Studio-7, ibang Rita Daniela ang bumulaga sa screen habang sing and dance ang dalaga.

Saludo sa kanya ang televiewers dahil sizzling hot ang song and dance number ni Rita. Katunayan nagviral ang production number na ‘yun ng singer-actress.

Awit ni Selena Gomez ang kinanta ni Rita, ang Hands to Myself.

Komento ng mga nakapanood:

“Without a doubt, she’ll make it to the international screen.?”

“This girl deserves more singles, exposure, albums, and concert. Galing talaga magperform.”

Hindi na Rita ang tawag nila sa singer-actress kundi Aubrey dahil tumatak ang kanyang role sa My Special Tatay.

“Total package si Aubrey, swerte ng GMA sa ‘yo. Daming pwedeng ipagawang role sa kanya her genre is very vast.?”

Ayon pa sa mga supporter ni Rita sana raw ay makapag-concert na si Aubrey soon. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here