Ritz Azul ang ‘no boyfriend since birth’ engaged na!

0
183

ANG actress na si Ritz Azul at may tag na ‘no boyfriend since birth’ ay engaged na sa first boyfriend named Allan Guwi.

Sa Instagram account ni Ritz may post siyang, “This Guy’s in love with me, pare.

“I love you too, Allan Guy. @allan guwi (with ring emoji) #engaged #myfince.”

Non-showbiz ang boyfriend ni Ritz at marami ang nabigla dahil first and last boyfriend pala ng actress ang guy.

Ani Ritz, nag-start lang daw sa barkada ang kanilang love story.

Hindi nga raw niya masabing nagdi-date sila dahil lagi nilang kasama ang mga kaibigan kapag lumalabas.

Sa comment section ng socmed ni Ritz ay ang daming bumati sa kanya.

Unang-una na ang partner niya sa Los Bastardos na si Joseph Marco at iba pang kasamahan sa teleserye.

Ani Marco: “Congratulations, Capt.!”

Sinundan ni Jake Cuenca at ni Maxene Medina. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here