Robin hinamon ang ibang artista na magpakita ng bankbook!

0
63

WILLING daw ipakita ni Robin Padilla ang kanyang kontrata sa ABS-CBN.

Aniya: “mam handa po ako ilabas ang kontrata ko pati bankbook kung nais ninyo sabihan niyo po ang mga artista ng abs at gma para sabay sabay kami.”

Ayon pa sa actor, “itag niyo po si mam angel locsin, direk coco martin, sir dingdong dantes at maraming iba pa sabihin niyo lang po kung san kayo po ba ang sponsor?”

Ani ng netizen, hindi raw niya alam kung bakit nagtuturo ng ibang artista ang actor.

“Eh siya lang naman ang hinahamon na magpakita. Dinadahilan nga wala na syang gana gumawa ng pelikula?”

Ang mga artistang tinuturo pa ni Robin ay ang magaganda at matitino ang image ang mga pinagbabanggit nya. “Robin, FYI may mga ibang business din naman si Dong. Si Angel consistent na tumutulong kapag may disasters. Halata namang inggit tong mamang to.”

At bakit hindi raw sya ang mag-tag sa mga nabanggit niyang pangalang artista hindi yung iuutos pa niya sa netizen.

Sabi naman ng isang netizen bakit daw lalayo pa siya: “ROBIN BAKIT DI NA LANG SI DANIEL MAGLABAS NG KONTRATA!?”

“Bakit selective si Robin. Dapat makita din ng public ang contract ng mag inang Karla Estrada and Daniel Padilla at Aljur Abrenica pati ng ng misis niyang si Mariel. Damay2 na. Suerte ni Rommel support lang siya kaya for sure, wala siyang contract.” (ROND BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here