Robin Padilla nagreak sa pagkukumpara kay Coco!

0
115

AYAW pa rin tumigil si Robin Padilla kahit napagsabihan na siya ng asawang si Mariel Rodriguez hinggil sa ‘franchise renewal’ ng ABS-CBN.

May nabanggit kasi si Robin na hindi siya kontra sa franchise renewal ng network kaya lang daw ang dapat unahin ay ang kapakanan ng 11,000 workers ng Kapamilya Network.

Eh, ang netizens ayaw pa ring tumigil sa pagkokomento.

Sa socmed comment section ng actor ay may nagkomento na bakit ‘di na lang daw niya gayahin si Coco Martin na tumutulong sa mga kapwa artista lalo na du’n sa mga matagal ng walang trabaho o ‘di kaya ay nalulong sa bisyo pero nagpipilit na magbago.

Eh, si Robin parang ‘di niya feel na i-compare siya kay Coco.

Ayon sa netizen: “Sir Robinhood bakit hindi mo na lang gayahin si Coco Martin na gumawa ng teleserye or movie. Tumulong ka sa mga walang trabaho, nalulong sa bisyo na gusto magbago o mga api sa sweldo kuhanin mo.”

“Kung si Coco nagawa kasi nasa kanya ang kasikatan at pagpapala kaya binabalik lang niya,” dugtong pa ng netizen.

Sinabi pa ng netizen na mas maraming proyekto raw na nagawa ang action star kesa kay Coco.

“Pero sa paraan mong ganito marami ang nagtatalo at nasasaktan nasaan po ang pagkatao du’n pasensya na po kung ‘di mo ko maintindihan at kung hinahalintulad kita kay Coco pero mas da best at kapakipakinabang kung ang galing at husay mo ay mas ginamit mo sa maayos at mapayapang paraan.”

Muling ay umiral ang pagiging palotero ni Robin.

Sinagot niya ang netizen. Aniya, nagawa na niya noon ang mga ginagawa ni Coco ngayon lalo na nung halos sunud-sunod ang pagpapalabas ng kanyang mga pelikula.

Ani Robin: “Matagal na pong practice yan. Natutunan lang po ‘yan ni Direk Coco sa mga naunang action stars.”

Dito nabanggit ni Robin “siguro po mas mainam sabihin n’yo kay Direk Coco na ‘wag bubuhusan ng tubig ‘yun mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae.”

Maging ang actor na si John Lloyd ay sinama pa niya.

“Si john lloyd po ay isa sa mga artista ng abscbn na katulad ko ay ayaw na gumawa.”

Ang netizens ay ‘di nagpatalo at may sagot pa rin siya sa action star.

Aniya: “ngayun na parating nyo na po sa kanya malinaw na may sama k n loob finish na po. At sa tingin ko si johnloyd may dahilan at di po sya katulad mo na may nasasabi.”

Mas marami ang kampi sa netizens kesa sa action star.

Ani ng commenter: “bitter lang si lolo robin dahil di umarangkada pangarap na pagiging director.”

Ang iba naman ay mas bilib sa dami ng natulungan ni Coco. “Daming natulungan ni Coco Martin na hindi nagawa ni Robin. Sa true lang. Trabaho talaga ang binigay ni Coco. Hindi one time tulong lang.”

Lihis naman sa topic, ang komento ng isang netizen.

“Buti na lang walang preno bibig ni Robin nalaman natin the man behind the pa “goody” Coco! At nalaman natin walang ROYALTY FEE mga actors sa mga TV reruns or in any form of reruns sa mga shows/movies nila!!!”

Pinatunayan naman ng isang netizen na sadyang mabait at matulungin ang director ng Ang Probinsyano.

“Normal lang naman po magalit ang director sa set. Naexcuse nga noon ang verbal abuse ni Direk Cathy diba? Ang akin lang po, nung nagkasakit ang tito ko na crew ng AP, malaki po ang tinulong ni Coco kaya po hindi po ako naniniwala na masama siyang tao. Hindi siya perpekto pero alam nating lahat madami pang mas masahol sa kanya.”

Prank lang daw ang ginawang ‘yun ni Coco sa set. Katunayan napagsabihan nga raw sila ni Lola Flora (Susan Roces) sa kanilang pagbibiruan dahil baka raw mamisinterpret ng iba.

“May nabasa ko it happened matagal na, and it was just a prank, lokohan nila sa set. Sabi pa na-call out na daw ni Susan Roces si Coco about it kasi nga hindi ok na biruan baka mamisinterpret. So sana din kung ganyan ang issues, kausapin nya diretso yung tao. Matapang naman si Robin di ba?”

In capital letters naman ang isang commenter.

“INGGIT LANG KAYO KAY COCO SA KATAYUAN NYA SA BUHAY. MABAIT NA, MATULUNGIN PA. EH KAYO, ANONG PAKINABANG MERON KAYO?”

Si Robin daw ang katipunerong bunganga ang sandata.

Suhestiyon pa niya, ‘Robin, ipa-tulfo mo na kaya si Coco ng matigil ka. Dami mong dada!!!’

Anyway, sa palagay naman naming hindi magtatagal ang mga beteranong artistana tulad nina Susan Roces, Jaime Fabregas, ang the late Eddie Garcia at Michael de Mesa, sa Ang Probinsiyano, kung hindi makatao at masama ugali ni Coco.”

Kung totoo daw ang sinasabi ni Robin dapat noon pa raw nito ipinost sa kanyang socmed.

Out of topic na raw ang isyu at wala nang konek sa prankisa ng ABS-CBN.

Nagpadala na rin ng kasagutan ang Dreamscape Entertainment.

Anila, totoong may buhusan ng tubig pero biruan lang daw ang lahat.

Paliwanag pa ng Dreamscape, kapag nagpapa-pack up na raw ang taping ay buhusan ng tubig ang katuwaan nila.

Wala rin daw maltratong nangyayari sa set ng ‘Ang Probinsyano.’ “Coco does not maltreat his staff and crew.

“Yung buhos tubig ay matagal na nilang laro sa mga teleseryes niya.

Anyway, kung sa pagtulong din naman sa kapwa saludo naman kami kay Robin.

Ilang mga kasamahan namin sa industriya nitong nakaraang taon ang mga nagkakasakit.

Isang text lang ng aming colleague sa kanya ay agad siyang nagpapadala ng tulong.

“Hindi man perpekto yang si Robin pero isa sya sa pinaka-mabait at matulungin na artista. Ang daming natulungan nyan” which is true. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here