RONDA BALITA Basketball Team, kampeon sa Pulding’s Cup Season 2

0
784

NASUNGKIT ng RONDA Balita basketball team ang kampeonato makaraang talunin ang matikas na koponan ng Hagonoy, 114-104 sa Agila Basketball League Pulding’s Cup Season 2 (35 under), ang tinaguriang liga ng mga liga sa lalawigan ng Bulacan na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center noong nakaraang Hulyo 14, 2017

Hirap na hirap kumawala ang koponan ng RONDA Balita sa matibay na depensa na inilatag ng Hagonoy at namiligro pa sila ng agawin nito ang bandera sa pagtatapos ng third quarter sa pangunguna nina nina Earnest Reyes, Alvin Pineda at Allan Mangahas.

Hindi naman nawala ang bangis ng Bocaue based squad RONDA na sumandal sa magandang nilaro ng mga starter nito sa pangunguna ng shooting guard na si Jerome Villanueva, Marlon Monte, power forward Jay-R Taganas, high leaper Jovit dela Cruz at John Gonzales at agawin ang mailap na kampeonato noong Pulding’s Cup Season 1.

Sa pagpasok ng fourth quarter, ay agad na bumulusok ang mga bilis ni Monte at Dela Cruz na gumawa sa naturang quarter ng 13 at 10 puntos.

Players from Hagonoy played well tonight, especially lalo na yung Pineda na talagang nagpakita ng husay, as well siyempre si Reyes,  patungkol ng RONDA playing coach JR Villanueva.  Expected ko na dikit ang magiging laban.

Bumitaw ng dalawang magkasunod na tres Villanueva upang hawakan ng RONDA ang 95-91 bentahe may 2 minuto na lang ang nalalabi sa fourth canto.

Nahirapan ang Hagonoy na mapigilan ang pagratsada ni Dela Cruz na kumana ng 29 puntos, na sinundan ni Monte ng 26 at Villanueva at Taganas ng 19 at 20 puntos.

Ilang beses nagtangkang lumayo ng Hagonoy sa 3rd quarter  ngunit bigo sila sa determinadong team RONDA Balita.

Pinasabog ng RONDA ang 10-2 run na tinuldukan ng tres ni Villanueva para makuha ang 4 puntos na kalamangan, 108-100 sa huling 65 segundo ng laro.

Mula rito ay hindi na lumingon pa ang Team RONDA para tuluyang makuha ang kampeonato.

Nakamit ng RONDA ang 1st runner up sa unang Pulding’s Cup kung saan ay tinalo sila ng koponan ng Malolos.

Kumana sa Hagonoy sina Pineda ng 35 puntos habang si Reyes ay may 32 at Emil Fernandez 14 points. Nalimitahan naman si Mangahas ng 4 puntos.

Ang iba pang player ng RONDA Balita basketball team maliban sa first five ay sina JR Villanueva (playing coach), Jojo Hate, Paul Trance, Irish Acuna, Richard Alejandro, Rolando Agustin, Eric Gatchalian, Paulo Andres, Jan Jan Cruz, Gerald Olgina at Hansel Austria.

Ang iba pang koponan na nangibabaw sa dalawang iba pang division ng katatapos pa lamang na Pulding’s Cup Season 2 sa 23 Under Division na nasungkit ng Malolos Agilas sa ilalim ni Coach Jumbo Cruz, na sinundan ng Der-Win Chi Van (1st runner-up), BulSU (2nd runner-up) at Northville 8 (3rd runner-up).

Sa 35 Under na natamo ng RONDA Team at sinundan ng Hagonoy, MBA (2nd runner-up) at ARSAN Advertising.

Sa 36 Above division, nakopo ng Team Rebel ang championship title na sinundan ng Malolos Agilas (1st runner-up), Baliwag (2nd runner-up) at Boss Jass (3rd runner-up).

Ang Pulding’s Cup Season 2 na pinangasiwaan ng Agila Basketball League sa pangunguna ni Malolos City Mayor Christian D. Natividad katuwang ang masipag na chief ng City Sports and Development Office Toti Villanueva

ay tinaguriang Liga ng mga Liga sa lalawigan ng Bulacan dahil ito ay tinampukan ng 101 koponan na nagmula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan.

Maliban sa may tatlong katergorya ang nasabing paliga, umabot sa 63 playing days o mahigit 2 buwan tumagal ang Pulding’s Season 2 at isinagawa ang 261 games sa 4 na magkakaibang venue.

Ang Pulding’s Cup Season 2 ng Agila Basketball League ay nagsimula sa laru-laro ng mga barkdahan hanggang sa lumaki ng lumaki ang mga gustong lumahok.

Ani Mayor Natividad, “parami ng parami ang mga gustong sumali sa Pulding’s Cup at halos lahat na ng mga bayan sa Bulacan, mga pribadong kompanya ay gustong magpasok ng team.

Ito ang tunay na layunin ng Pulding’s Cup, ani Natividad, ang magkaroon ng developmental sa sports ang mga kabataan para makapag-produce pa tayo ng maraming Vergel Meneses.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here