Home Showbiz RS Francisco gagawan ng movie si Gretchen Barretto

RS Francisco gagawan ng movie si Gretchen Barretto

436
0
SHARE

MAGKAIBIGAN ang 34TH PMPC Star Awards for Movies Best Actor na si RS Francisco at Gretchen Barretto. Ayon kay RS gustung-gusto niyang kasama ang sexy-actress noon pa man dahil napakatotoong tao nito.

Si RS ang nagma-manage ng Front Row kung saan napakarami nilang hawak na artist. Isa itong malaking advertising company na pawang mga sikat na celebrity ang kanilang endorser.

Isa na dito ang sexy-actress na si Ellen Adarna. Dahil sa kondisyon ni Ellen natanong si RS kung patuloy pa rin daw ba nilang endorser ang sexy-actress.

Ayon kay RS: “Okey lang daw sa kanila. Kukunin pa rin daw nilang si Ellen hangga’t gusto nitong magtrabaho sa kanila.

Nagpo-produce din ng indie movies ang FR kung saan ang pelikulang Bhoy Intsik ang pinalunan ni RS. Aniya ibig din nyang pasukin ang mainstream. Katunayan may apat silang ginagawang movie ngayon at inaasam niyang may magco-produce sa kanya na mula sa malaking production.

May co-producer din daw siya mula sa Hollywood. Isa raw si Gretchen Barretto sa napupusuan ng Hollywood produ na gumawa ng Hollywood movie. Nagkausap na raw sila ng producer. Dito raw isu-shoot ang movie, pero sa abroad unang ipalalabas. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBea Alonzo ‘unfollow’ Gerald Anderson at Pia Wurtzbach sa kanyang Instagram
Next article5 penitents crucified in Paombong, Bulacan
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here