Ruru Madrid, ayaw mag-participate sa Flores De Mayo

0
158

MARAMI ang may gustong kumuha kay Ruru Madrid na mag-konsorte sa mga naggagandahang Reyna para sa Flores de Mayo.

Kaya lang nabibigo ang mga Hermana Mayor na lumalapit sa Kapuso actor.

Si Ruru, gusto niyang pagbigyan ang mga taong lumalapit sa kanya, ‘Yun nga lang bawal sa kanilang relihiyon ang nakikipag-cooperate sa mga catholic activities.

Active Iglesia Ni Cristo ang Kapuso actor. Hindi nanghihinayang si Ruru kung gaano kalaki ang kikitain sa pagiging konsorte.

Para sa kanya naipakita niyang sumusunod siya sa batas ng kanilang relihiyon. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here