Home National News Ryan sinumbat ang ‘panlilibre’ kay Karylle

Ryan sinumbat ang ‘panlilibre’ kay Karylle

26
0
SHARE

DATI nang nagkaroon ng hidwaan ang dalawang hosts ng It’s Showtime na sina Karylle at Ryan Bang.

Silly lang naman ang tampuhan ng dalawa kung saan ang dahilan ay ang paghintay ni Ryan kay Karylle. May usapan kasing manonood ng concert ang dalawang hosts. Dumating si Ryan ng ontime sa venue. Nainip siya dahil halos one hour daw niyang hinintay si Karylle.

Ani Karylle: “Alam mo naman ang concert kapag sinabing 8 ang start, hindi agad mag-uumpisa yan.”

Sagot ni Ryan: “Hindi ko alam, e. Sana sinabi mo sa akin, para hindi ako naghintay ng matagal.”

Nag-sorry naman si Karylle at na-patch-up ang tampuhan ng dalawa.

Muli naulit ang himutok ni Ryan sa co-host. Nu’ng last Friday sa Tawag Ng Tanghalan segment sinabi ni Vhong Navarro na “Karylle may sinasabi si Ryan.”

Karylle: “Ano ‘yun.” Ryan: “Ang ganda-ganda mo ate Karylle (bago kasi ang hairdo ni Karylle).

Pinasalamatan ni Kaylle si Ryan. Sabi ni Vhong, “hindi ‘yan ang sinasabi mo kanina Ryan. Sabi mo, nilibre mo si Karylle at ang mahal ng binayaran mo.”

Nangiti si Karylle at hindi itinanggi ang paglilibre sa kanya ng Koreanong host.

Ani Karyle: “Konti lang naman ang kinain ko ah.”

Sagot ni Ryan: “Konti ba ‘yun ang dami mo inorder.” Anim na klase raw ang inorder ng kanyang kapwa It’s Showtime host. Binayaran daw niya ay P4,600. “Di naman kita syota, e mahal ng binayaran ko,” natatawang sabi ni Ryan, sabay sabing “I love you Ate Karylle.”

“Thank you Ryan. Now alam mo na kapag nagka-girlfriend ka,” ngiting sabi ni Karylle.

Ganyan kung magmahalan ang It’s Showtime hosts, nagbubukingan! (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleAi-Ai at La Greta pinatatamaan si Kris
Next articleWillie binalaan ang ‘Wowowin’ supporters
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here